in

Codacons: 75% ng mga migrante, nahihirapang ipaliwanag ang nararamdaman sa mga doktor

Isang survey ang ginawa ng Codacons upang alamin ang antas ng kaalaman ng mga migrante ukol sa kalusugan sa Italya. Ito ay sa pamamagitan ng proyektong “Sentinelle della Salute”, sa pakikipagtulungan ng Agi.

altRome – Dalawa sa bawat tatlong dayuhan (66.67%) ay may kamalayan ukol sa posibilidad na gamutin sa publikong pasilidad sa kalusugan kahit na hindi regular sa dokumentasyon o walang permit to stay, ngunit tatlo sa bawat apat (75%) ang umamaing nahirapang ipaliwanag ang mga sintomas ng karamdaman sa doktor at maging sa mga medical staff.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga resulta ng isang survey ukol sa kaalaman sa kalusugan ‘Made in Italy sa pamamagitan ng Codacons na isinasagawa sa ilalim ng proyekto “Sentinelle della salute”’ na inilunsad sa pakikipagtulungan sa AGI.

Ang unang bahagi ng survey ay upang alamin ang relasyon sa pagitan ng mga migrante at ng kalusugan: ang 86, 35% ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng family planning clinic (consultori familiari); ang 73.71% ay hindi alam na mayroong batas para pangalagaan ang mga ‘future mother’; ang 65, 89% naman ay iniisip na sa Italya ay walang pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga anak; ang 69.07% ay naghayag na hindi nakatanggap ng anumang paliwanag bago pirmahan ang request na informed consent (consenso informato).

Sa kabuuan, ayon sa mga nangalaga ng pananaliksik “ay nagpakita ng kakulangan ng kaalaman ukol sa mga serbisyong ibinibigay sa mga migrante ng system sa pangangalaga ng kalusugan, isang kawalan ng tiwala sa mga pasilidad ng Italya at ng mga problema sa komunikasyon sa mga doktor at medical staff.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto salva Italia: Ibinalik ang buwis sa unang tahanan.

GMA number one free-to-air television channel