in

Colf : 85% ay mga imigrante

Isang survey ukol sa service to families sa Italya, ginawa ng UniCredit Foundation.

Rome, Mayo 6, 2013 – Ang domestic job sa Italya ay ang kategorya kung saan pinakamalaki ang bahagi ng mga imigrante: sa katunayan ay sumsaklaw sa 85% ng 893.351 katao ng mga nakatalan sa INPS hanggang  Disyembre 31, 2011. Ang mga EU nationals ay kumakatawan sa 35% at ang mga non-EU nationals naman ay kumakatawan sa 50%, ang 15% ay kumakatawan naman sa mga Italians. Ang mga kalalakihan ay ang ika-anim ng bahagi ng kabuuan.

Ito ang resulta ng ginawang pagsusuri ukol sa service to families ng Italia:il contributo degli immigrati, na inilahad kamakailan sa Roma sa Palazzo de Carolis, sa pakikipagtulungan ng UniCredit Foundation, at ng Agenzia Tu, kung saan sa pamamagitan ng pagsusuring ito, ang UniCredit network ay tumutukoy sa mga new protagonists ng merkado at ng trabaho: mga mangaggawang dayuhan.

Ang ginawang Regularization noong nakaraang Setyembre at Oktubre 2012, sumunod sa nakaraang 2009 Sanatoria (na nagkaroon ng 300,000 application) kung saan ang halos 100,000 ay sumasaklaw sa domestic job. “Sa isang banda, mayroong naitalang bagong posisyon sa talaaan ng mga insured –  tulad ng mababasa sa survey – at sa kabilang banda naman ay nakansela ang isang bahagi ng mga nakatala na dahil sa patuloy na pag-iwas sa pagbabayad ng kontribusyon lalong higit sa panahon ng krisis. At samakatwid, ay pinaniniwalaan na ang aktwal na bilang ng mga domestic workers ay higit na mataas, at sa katunayan sa pamamagitan ng Censis ay tinatayang higit sa 1 milyon at kalahating mga manggagawa halos isang taon na ang nakakalipas”.

Ang pagsusuri ng UniCredit Foundation ay isinagawa sa Central North Italy at sumasaklaw sa 606 mga dayuhang naglilingkod sa mga pamilya na tinawagan ng mga operators ng Agenzia Tu. 9 sa 10 kinapanayam ay nagdeklarang tumatanggap ng sahod buwan buwan at nagdeklara ring nasa maayos na kundisyon at magandang pag-trato buhat sa mga pamilyang pinaglilingkuran.  8 sa 10 kinapanayam ay nagdeklarang naglilingkod na masaya sa mga pamilya at nagagawang mag-ipon rin. 6 sa 10 kinapanayam naman ang sumagot na walang intensyong bumili ng tahanan sa Italya; 5 sa 10 naman ang mga naglilingkod bilang caregivers (higit sa kalahati ang namumuhay mag-isa); 3 sa 10 ang hindi tumatanggap ng 1 araw at kalahating off kada linggo (tulad ng nasasaad sa Ccnl ng kategorya).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sentensya sa 6 na Pinoy, nabawasan

Giulio Andreotti, pumanaw na