Sa pagtatalaga ng “indicatore della situazione economica equivalente” o mas kilala bilang ISEE, ay maaaring ibawas ang ipinasahod pati ang kontribusyong ibinayad. Assindatcolf: “Maaaring gawin din ito sa Tax return”.
Roma, Disyembre 13, 2013 – Sa bagong reporma ng ISEE na inilunsad kamakailan ng pamahalaan, at ipatutupad saimula 2014, isang magandang balita para sa mga pamilya na mayroong colf at caregiver para sa pag-aalaga sa miyembro ng pamilya na non-self sufficient. Upang makalkula ang ISSE, na kinakailangan upang matanggap ang mga social benefits, ay maaaring ibawas ang halagang ginamit upang bayaran ang kasambahay, kabilang ang sahod at kontribusyon.
Ang Association of Domestic Employers o ASSINDATCOLF , ay sinabing “unang hakbang para sa higit na maingat na institusyon sa pangangailangan ng mga pamilyan na mayroong kasambahay upang alagaan ang non-self sufficient at tinatayang aabot sa 12.000/15.000 ang gastusin ng mga pamilya sa loob ng isang taon.
Ang bagong sistema, paliwanag ng asosasyon, ay nagsasaad na sa kalkulasyon ng ISEE, ay mayroong exemption ( 4000 € , 5500 € at 7000 € ) batay sa antas ng disability – average, heavy o non-self-sufficiency. Bukod dito, ang mga non-self sufficient ay mayroong posibilidad na ibawas buhat sa kita ang lahat ng gastusin at mga sertipiko ng pagkakaroon ng kasambahay o caregivers sa kalkulasyon ng ISEE.
Inaasahan ng ASSINDATCOLF ang posibilidad sa hinaharap na ibigay din sa average at heavy disability ang bagong sistema. At lalong higit, “ang konsepto ng lubos na pagbawas ng gastos sa colf na kinuha ng pamilya upang mag-alaga sa disable person ay di lamang sa kalkulasyon ng ISEE, bagkus pati sa ,tax return o dichiarazione dei reditti upang mabawasan ang babayarang buwis sa Estado ng mga pamilya.