Simula ngayong araw na ito ay magsisimulang multahan ang mga employer na hindi susunod. Ang Acli at Assindatcolf: “Isang malaking problema, maraming mga manggagawa ang walang bank account”
Rome – 1 Peb 2012 – Payday para sa daan-daang libong mga colfs, babysitters at caregivers na ngayong araw na ito ay tatanggap ng sahod para sa buwan ng Enero mula sa kanilang mga employer. Sabay nito ang pagpapatupad ng bagong patakaran, na hindi pwedeng bayaran ng cash ang sinumang may sahod mula 1,000 euros pataas.
Tapos na ang grace period bilang palugit sa hindi pagpataw ng kaukulang multa at tuluyang ipinatutupad ang regulasyon ng dekreto ‘Salva Italia’ upang labanan ang tax evasion ay ipinagbabawal ang paggamit ng cash sa halagang higit sa 999,99 euros.
Kahit na ang mga pamilya na mayroong mga colf ay dapat itong sundin. Sa pamamagitan ng bank transfer o postal transfer o sa pamamagitan ng bank cheque kung saan obligadong nakasaad ang pangalan ng beneficiary at ang clause na ‘non-transferable’. Kailangang maging maingat dahil ang multa sa mga mahuhuling hindi susunod sa bagong regulasyon ay mula 3,000 euros.
“Apektado ng bagong regulasyon ang mga manggagawa na may mataas na sahod, tulad ng mga full-time caregivers na may sapat na pagsasanay at pormasyon na sinubukang malampasan ito noong nakaraang buwan, dahil sa sahod para sa buwan ng Disyembre kasama rin ang Christmas bonus o 13th month pay”, ayon kay Teresa Benvenuto ng Assindatcolf sa Stranieriinitalia sa isang panayam.
“Maraming mga employer – ayon kay Benvenuto – ang nag-ulat na mahihirapan sa bagong patakaran dahil maraming mga manggagawa ang walang bank account para sa money transfer o para sa bank cheque. Ayon pa umano sa mga manggagawa, ang mga counter sa mga bangko ay di basta basta nagpapalit ng tseke sa hindi mga kliyente.
Ayon kay Raffaella Maione, ang National head ng Acli Colf, dapat ding isinama ang mga bangko sa bagong patakarang ito. “Sa pagpapatupad nito, ang mga bangko ay dapat na magbukas ng mga account na walang charges para sa mga colf. Dahil sa ang karamihan sa mga colf ay dayuhan, sa serbisyo ay maaaring idagdag ang money transfer o remittance sa sariling bansa.
Ang traceability ng mga pagbabayad ay magagawang labanan ang pagkalat ng tinatawag na ‘lavoro nero’ at ng mga pagbabayad na “off payroll”? Si Maione ay may pag-aalinlangan: “Kung ito ang layunin nito, mas mahusay na pag-aralan ang mga mas makabuluhang serbisyo, simula sa pagbabawas sa labor costs.”