in

Colf at caregivers. “Ang kasunduan ay bunga ng panahong ito, ngunit mayroon ding mga magandang pagbabago”

Mesina (Filcams-CGIL) ang renewal ng CCNL: "Dagdag sa sahod, higit na proteksyon sa maternity, permit to stay upang matutunan ang wikang italyano at patunay sa pagbibitiw. Ang tunay na problema ay isa sa bawat dalawang worker ay irregular o lavora nero"

Roma, Abril 26, 2013 – “Maaari pa ring mapabuti ang sitwasyon. Ngunit kung pinirmahan ang kontrata makalipas ang higit sa 18 buwan ng negotiation ay dahil sa kawalan ng kundisyon upang maisara ang negotiation”. Giuliana Mesina, ang pangulo ng CGIL Filcams, ay tinalakay ang mga puntos ng renewal ng National Collective Agreement para sa domestic job.

"Isang kasunduan na bunga ng kasalukuyang panahon, ngunit totoo rin na sa sektor na ito ay walang gasinong magandang balita, at ang pagkakaroon ng isang kasunduan ay maituturing ng isang tagumpay. Isang maselang sektor, ang mga employer ay ang mga pamilya at ang domestic job ay walang ibinubungang kita, bagkus ay isang pagbibigay ng serbisyo. Samakatwid, ang  renewal ay kinakailangan, hindi lamang bilang proteksyon, mayroon ding maliliit ngunit positibong pagbabago”.

Sapat ba ang awmento o increase sa sahod?

"Mababawi ang malaking bahagi ng pagtaas cost of living. Tiyak na mahirap na mabawi ang mga nakalipas na hanggang sa renewal ng kasunduan, ngunit pansamantala ay itinaas namin ang minimum wage na malapit sa hiniling na halaga, kahit pa ang awmento ay mahahati sa tatlong bahagi, sa 3 sunud-sunod na taon.”

Ang proteksyon ng pagiging ina? Humiling ba kayo ng pagbabawal sa pagpaalis sa trabaho ng mga bagong ina sa loob ng isang taon, tulad ng nagaganap sa lahat ng iba pang sektor. Nagawa ba ninyo ito?

"Ang mga employer ay hindi pa handang baguhin ang kontrata sa pamamagitan ng batas, na hindi kabilang ang mga domestic worker ng proteksyon. Ang puntong pinagkasunduan ay ang pagdodoble sa panahon ng abiso sa matatanggal sa trabaho. Ito ay upang magkaroon ng mas mahabang panahon upang makahanap ng malilipatan kung naka-live in. Kung hindi naman susundin ang panahong itinakda, ay bibigyan ng pinansiyal na proteksyon ang matatanggal sa trabaho. Ito ay isang pansamantalang pagtugon habang hinihintay ang isang malawak na proteksyon, na darating sa pamamagitan ng batas. "

Sigurado ba kayo?

"Ayon sa Ilo Convention 189, na ginawang batas rin ng Italya, ang domestic job ay isang trabaho na tulad ng iba at samakatwid ang mga domestic workers ay may karapatan at proteksyon katumbas ng lahat ng mga manggagawa. Sa ngayon, mayroong diskriminasyon sa proteksyon ng mga manggagawang ina, kung kaya’t hiniling namin na baguhin ito. Hindi nila ginawa, at kailangang kumilos ang Parliyamento sa pamamagitan ng pagbabago sa batas”.

Gaano katagal ang pagbabagong ito?

"Una sa lahat ay kinakailangan ang kagustuhang gawin ito sa pulitika, matapos itong mapatunayang isang diskriminasyon para sa mga domestic workers. Totoong hindi ito magiging mabilis, kung isaalang-alang natin na wala pa ring gobyerno hanggang sa ngayon. Ito ay hindi matitiyak, ngunit hindi tayo nawawalan ng pag-asa. Gayunpaman, ito ay isang matagal ng laban sa maraming taon na, bago pa man simulan pag-usapan ang tungkol sa convention. Ang Convention, gayunpaman, ay isang panimula. "

Iba pang mahalagang puntos ng renewal?
 

"Una sa lahat, ay nasasaad dito ang pagpapatunay ng pagbibitiw, tulad ng nasasaad sa reporma Fornero. Ang isang pagbabago na nagbibigay-daan upang labanan ang pagtatalo o kaso bunga ng huwad na pagbibitiw sa trabaho bagkus ang katotohanan ay pagtatanggal sa trabaho. At ang  maprotektahan ang pagtatapos ng trabaho na sa sektor ay matinding paglabag”.

Mayroon pa bang mga pagbabago para sa mga banyagang manggagawa?

"Nadagdagan ang mga oras ng mga bayad na leave para sa anumang formation, kabilang dito ang kurso sa wikang italyano sa pagkakaroon ng carta di soggiorno. Maaari ring ibilang ang marital leave, pwede na itong kunin kahit hindi malapit sa petsa ng kasal. Para sa mga ikakasal dito, o sa mga uulitin ang kasal at magdidiwang sa sariling bansa, ay magiging mas madali ang paghahanda.

Ang kasunduan ay pinoprotektahan lamang ang isang bahagi ng mga domestic workers. Karamihan sa mga ito ay nananatiling irregulars.

"Oo, tinatantya namin na hindi lalampas sa kalahati ang bilang ng mga irregulars. Ang kasunduan ay mahalaga rin para sa kanila. Kailangang ipaalam na pinoprotektahan din sila tulad ng proteksyon para sa mga employer. Kailangan ang isang mahusay na pagpapalabas ng impormasyon”.

Paano lalabanan ang irregular job?
 

"Malaki ang maitutulong ng tax exemption sa domestic job, dahil ito ay maituturing na  kahalili ng public welfare, isipin natin ang pag-aalaga sa mga disable, sa mga matatanda at sa mga abbysitters. Kailangang pag-isipan ang kontribusyon ng mga dayuhang manggagawa: sa ngayon ay walang paraan ng pagre-release nito dahil kakaunti lamang ang mga bansang mayroong kasunduan ukol dito at karaniwang ang pagiging regular ay hindi nagiging mahalaga para sa kanila”.

At ano sa palagay nyo ang pagtatanggap sa trabaho sa isang dayuhan na walang permit to stay?

"Ito ay nakasalalay sa ating batas sa imigrasyon, na tunay na nakakagulat. Hindi sa tingin ko maaaring magpatuloy sa paraan ng Regularization, na hindi nagtatagumpay sa bandang huli. Kailangang palitan ang sistema at pagpapatakbo dito. Samantala, ang mga manggagawa ay namumuhay sa takot na lumabas dahil ang pakikipag-sapalaran ay maaaring magbunga ng order of expulsion. At maging para sa amin bilang labor union, ay mahirap silang matagpuan. "

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Enrico Letta at Imigrasyon

Maninisid na Pilipino sa pagtatanggal ng Costa Concordia, natagpuang patay