Bahagyang tumaas ang minimum wage at nanatiling walang anumang pagbabago para sa halaga ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters.
Abril 3, 2017 – Kinumpirma ng Inps ang halaga ng kontribusyon. Ito ay katulad noong nakaraang taon dahil na rin sa kawalan ng pagbabago sa cost of living sa Italya. Ang halagang ito ang gagamitin sa pagbabayad ng quarterly payment ng kontribusyon at sa kasong magtatapos ang trabaho.
Sa pamamagitan ng isang circular na inilathala noong nakaraang Biyernes, ay kinumpirma ng INPS ang parehong halaga ng kontribusyon sa nakaraang taon. Ito ay mag-iiba batay sa halaga ng sahod, oras ng trabaho at sa uri ng kontrata – kung indeterminato o determinato, at may bahagyang kataasan sa huling nabanggit. Ang kontribusyon ay babayaran ng mga employer at maaaring kaltasin sa sahod ang ipinaluwal na bahagi naman ng worker.
Ang mga bagong halaga ay simulang gagamitin sa April 1-10 sa pagbabayad ng kontribusyon sa unang first quarterly payment ng 2017. Ito ay gagamitin din agad, sa kasong magtatapos ang trabaho sa pagkakataong kailangang bayaran ang lahat ng kontribusyon hanggang sa panahon ng pagbibitiw o pagpapaalis sa worker.
PAALALA: Bukod sa kontribusyon ng Inps, ay kailangan din bayaran ng employer ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa access sa mga benepisyo ng Cas.sa Colf. Ang halaga para sa taong 2017, para sa mga may kontrata na determinato at indeterminato, anuman ang halaga ng sahod at oras ng trabaho ay € 0.03 (kung saan ang € 0.01 ay bahagi ng worker) kada oras.
Basahin rin:
Minimum wage sa domestic job para sa taong 2017