in

Commissione per la Rappresentanza degli Stranieri, ibabalik sa Padova

Kasalukuyang pinaghahandaan ang pagbabalik ng Commissione per la Rappresentanza degli Stranieri sa Padova. Ito ay itinuring na ‘hindi mahalaga’ sa nakaraan at tuluyang tinanggal noong May 11, 2016. Inaasahan ang humigit kumulang na 18,500 mga dayuhan ang boboto online sa Marso 2020.

Ang Commissione ay isang opisyal na kinatawan ng mga non-Europeans na regular na residente sa Padova at walang italian citizenship. Ito ay binubuo ng mula 5 hanggang 25 halal na miyembro, kasama ang Mayor (o kanyang kinatawan), isang konsehal ng mayorya at isang konsehal ng oposisyon.

Ang Commissione ay ang consultative body para sa Alkalde, City Council at mga Commission nito. Ang presidente at vicepresidente ng Commissione ay magiging bahagi  ng Konseho, may karapatang magsulong ng mga deliberasyon, magbigay ng mga mungkahi at opinyon ngunit walang karapatang bumoto. Samakatwid, ang mga mahahalal na dayuhan ay ang magbibigay boses muli sa mga dayuhang residente sa Padova.

Ang Commissione, para sa amin ay mahalagang maibalik upang muling mabigyang boses ang mga dayuhang walang karaparang bumoto. Sila ay ang magiging tulay upang mapalalim pa ang aming pagkilala sa malaking bahagi ng mga residente ng Padova. Inaasahan din namin ang partesipasyon ng’Ikalawang Henerasyon”, ayon kina Assessors Francesca Benciolini at Marta Nalin.

Inaasahan ang nalalapit na halalan sa Marso 2020 sa pamamagitan ng online voting. Ang assisted online voting ay gagawin sa unang pagkakataon sa Padova ng 18.500 mga dayuhan.

Ang regulasyon gayunpaman ng Commissione ay magkakaroon ng mga susog kumpara sa dating regulasyon at sasailalim sa aprubasyon ng Konseho.

Matatandaang noong 2011 tatlong mga Pilipino ang nahalal sa 16 na miyembro ng Commissione per la Rappresentanza degli Stranieri sa Padova. (ni: PGA)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian Ambassador Giorgio Guglielmino, para sa Sining at Paglilingkod

Bonus Cultura 2020, kumpirmado!