in

Consiglieri Aggiunti – Magkakaroon ng 2 sa Parma at sa Roma ay naghihintay pa rin sa petsa ng eleksyon

Sa bagong Statute ng Comune di Parma na pinangungunahan ng M5S, nasasaad rin ang pagkakaroon ng dalawang kinatawan  ng mga imigrante. Samantala, sa Roma, ay muling ipinagpaliban ang diskusyon at aprubasyon ng regulasyong kinakailangan para sa inaasahang eleksyon ng mga bagong kinatawan.

Rome – Enero 24,  2014 – Maging ang lungsod ng Parma ay magkakaroon rin ng mga Adjunt Councilors o ang kilalang Consiglieri Aggiunti o mga kinatawan ng mga dayuhang residente sa konseho ng lungsod.

Ang magandang balita ay nilalaman sa draft ng bagong Statute ng lungsod na kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Federico Pizzarotti, buhat sa M5S, na nagsulong nito sa Constitutional Affairs Committee. Kung tuluyang aaprubahan, ang mga dayuhang residente ng lungsod ay maaaring maghalal ng kanilang 2 kinatawan: isang lalaki at isang babae.

Ang mga kinatawan ay wala ring karapatang bumoto, ngunit maaaring magsulong ng mga proposals at deliberations. Walang anumang uri ng compensation, isang boluntaryong paglilingkod sa publiko, bilang tugon ng grupo ng M5S sa pagbabawas ng gastusin sa pulitika.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga consiglieri aggiunti, paliwanag ni Mayor Pizzarotti sa kanyang profile sa facebook,  ay “hindi isang lihim na desisyon, bagkus ay hiniling ng mga residente sa pagdiriwang ng Giornata della democrazia noong nakaraang sept 29. Pinag-usapan sa constitutional affairs committee ang panukala ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na partesipasyon at demokrasya”.

Habang sa Parma, lahat ay kumikilos sa pagkakaroon ng mga consiglieri aggiunti, sa Roma, kung saan 10 taon na ring mayroong kinatawan ang mga imigrante, natapos ang mandate noong nakaraang Dec 15, at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring eksaktong petsa ang inaasahang eleksyon.

Ngunit bago ang eleksyon, kailangan munang baguhin ang regulasyon. Isang proposal ang sana’y magiging tugon dito na kabilang sa agenda ng huling dalawang council hearing, ngunit sa dalawang parehong council ay hindi kahit nasimulan ang diskusyon para dito.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno sociale para sa taong 2014 – 5819 euros

Autocertificazione para sa mga imigrante, ipinagpaliban muli!