Ang decreto legge ukol sa mga simplifications ay depenitibong nagtatanggal sa form Q. Sapat na ang komunikasyon ng hiring.
Roma – Pebrero 13, 2012 – Ang sinumang magha-hire ng isang dayuhang manggagawa ay hindi na magpapadala ng form Q sa Sportello Unico per l’immigrazione, sapat na ang gawin ang komunikasyon ng hiring. Ito ay inihayag ilang buwan na ang nakalipas ng Ministry of Interior, ilang araw na ang nakakalipas ay tinutukoy muli sa pamamagitan ng isang batas.
Ayon T.U. ng imigrasyon, ang employer at ang dayuhang manggagawa ay dapat pumirma ng isang kontrata, ang kilalang contratto di soggiorno (form q) na nagtataglay ng mga datas ng employer at worker at mga kondisyon ng trabaho. Bilang karagdagan, ang employer ay naghahayag na ang worker ay may angkop na tirahan at nangangakong babayaran sa gobyerno ang anumang gastusin sa kaso ng pagpapabalik sa sariling bansa.
Magmula noong nakaraang Abril, ang lahat ng impormasyong ito, gayunpaman, ay matatagpuan din sa comunicazione obbligatoria (modello Unificato Lav). Upang maiwasan ang pagkakadoble ng mga dokumentasyon, noong katapusan ng Nobyembre , ang Interior Ministry ay naghayag sa pamamagitan ng isang circular na ang mga employer, kabilang ang mga pamilya para sa mga domestic helpers, tagapag-alaga o mga babysitters, ay hindi na magpapadala ng form Q sa mga Sportello Unico.
Ang decreto-legge ukol sa mga simplifications ay lumabas sa Official Gazette noong nakaraang Huwebes ay kinumpirma ang nilalaman ng circular, upang bigyan lakas ang batas. Narito ang detalye, tulad ng nabanggit sa artikulo 17 talata 1: decreto legge 9 Pebrero 2012, n. 5
“Ang comunicazione obbligatoria na tinutukoy ng Artikulo 9-bis, talata 2, ng decreto legge ng 1 Oktubre 1996, n. 510, binago sa pamamagitan ng mga susog ng Batas 28 Nobyembre 1996, n. 608, ay nagtatanggal, sa lahat ng mga layunin ng batas, kahit na ang kinakailangang pag-uulat ng pagpirma ng kontrata (contratto di soggiorno) para sa subordinate job na naganap sa pagitan ng dalawang parte para sa hiring ng isang manggagawa na mayroong balidong permit to stay, na magbibigay daan upang gampanan ang trabaho na tinutukoy sa Artikulo 5-bis ng T.U. ukol sa mga probisyon sa imigrasyon at ang katayuan ng mga dayuhan, na tinutukoy sa legislative decree noong 25 Hulyo 1998, n. 286 “.