Ang mga employer ay dapat ipadala ito sa mga Sportello Unico for Immigration kahit na gagawin ang komunikasyon ng hiring. Ito ang indikasyon ng Ministry of Interior.
Roma – May 19, 2011 – Ang contratto di soggiorno, sa ngayon, ay nananatiling pinatutupad pa rin. Sa sinumang tatanggap ng manggagawang banyaga bilang trabahador ay dapat na ipadala ito sa pamamagitan ng registered mail sa mga Single Desk para sa Immigration, karagdagan sa mandatory communication ng hiring.
Ating alalahanin ang mga pangyayari. Ang contratto di soggiorno (Model Q), na pirmado ng employer at dayuhang manggagawa, ay nagpapakita ng mga data ng parehong parte at kontraktwal na kondisyon. Karagdagan dito, ang mga employer ay inihahayag na ang dayuhang manggagawa ay may angkop na tirahan at ang pagsagot sa magiging bayarin para sa isang posibleng pagbabalik sa bansa ng dayuhan.
Noong una, sa mandatory communication ay nasasad lamang ang petsa at mga tuntunin ng kontrata. Magmula noong Abril 30, ay pinalabas na ang isang bagong form na may dalawang karagdagang mga panels, nakalaan lamang sa tirahan ng mga manggagawa at ang mga gastos ng sariling bayan.
Sa madaling salita, pareho ang nilalaman nito ngunit ipadadala sa dalawang magka-ibang pagkakataon. Ano ang kahulugan nito? Gayunpaman, ang Ministry of Interior ay nilinaw ang mga ito.
Ang Immigration Department, sa isang circular kamakailan, ay kinikilala na mga komunikasyon ng hiring ay ipinatutupad, kasama na rin ang data na isinasaad sa modelo Q. Ngunit ito ay isang “pagpapagaan” sa aplikasyon nito sa unang bahagi ng ekspirimento. Sa kadahilanang ito, ang “mandatory communication ay hindi papalitan ang model Q, na dapat ipadala pa rin ng mga employer para sa mga bagong hiring.”
Ang dobleng pagpapadala ng komunikasyon, gayunpaman,ay malapit ng matapos. “Kasalukuyang ina-ayos ang sistema, ayon sa Interior Ministry – upang ganap na palitan ang q modelo ngmandatory comunication”.