in

Contributi Inps ng mga colf, nanganganib ng pagtaas dahil sa Decreto Dignità

Ang Decreto Dignità ay nagsasaad ng isang pagtaas sa halaga ng kontribusyon ng 0.5% sa bawat renewal ng employment contract partikular ang contratto a tempo determinato. Hindi sakop ng unang probisyon ng majority ng kasalukuyang gobyerno ang Public Administration habang apektado nito ang lahat ng uri ng kumpanya.

Bukod dito, sa kasamaang palad ay sakop ng pagtaas na nabanggit ang domestic sector. Ito ay nangangahulugan ng mula €160 hanggang €200 pagtaas sa bayarin ng kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters kada taon.

Samantala, para sa Assindatcolf, ang asosasyon ng mga employer sa domestic job, ay sinabing hindi umano maaaring ihalintulad ang kumpanya sa mga pamilya. Sa katunayan, ayon sa Assindatcolf, “sa isang sektor kung saan walang anumang tax relief para sa sinumang nagbigay ng regular na kontrata ay hindi makatarungang bigyan pa ng karagdagang pasanin”.

Ang natatanging paraan upang hindi makasali ang domestic job sa pagtaas ay ang tuluyang tanggalin ang sektor sa probisyon ng renewal ng mga contratto a tempo determinato. Dahil sa domestic sector ang abuso sa pagbibigay ng contratta a tempo determinato ay hindi naman halos nararamdaman at ang contratta a tempo indeterminato ang palaging ibinibigay sa mga colf.

Bagaman wala pang kasiguraduhan ay tila nagpapahiwatig ng pag-atras ang majority. Sa katunayan, si Luigi di Maio ay tila nagdadalawang-isip. Sa katunayan, mayroong mga susog na inaasahan sa domestic sector sa tatawaging Decreto Dignità 2.0. Kabilang din dito ang voucher sa ilang sektor (agrikultura at turismo) at para sa ilang kategorya ng pensioners at mag-aaral. Inaasahan din ang transit period na magpapahintulot sa mga kumpanya na ma-renew ang mga kontrata ng higit ng 12 buwan. Bukod pa sa magiging magaan ang hiring ng mga kabataan under 35 lalong higit sa South.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1 day basketball league “for a cause”, idinaos sa Roma

Paano at kailan matatanggap ng mga colf ang maternity leave at allowance?