Ayon sa Inps, ang mga colf, caregivers at babysitters ay hindi magbabayad ng ‘contributo di licenziamento’ o ang bagong buwis sa pagtatanggal sa trabaho buhat sa Riforma Fornero. Ito ang pahayag maging ng mga dalubhasa ng Ministry of Labor.
Roma – Pebrero 12, 2013 – Ang Ministryof Labor ay umaatras sa kumalat na balita noong nakaraang linggo ukol sa ‘contributo di licenziamento’ buhat sa Riforma Fornero at sinabing hindi nito sakop ang domestic job sa hindi pa opisyal na paraan.
Ang mga asosasyon ng employers at mga unyon ay gumaan ang kalooban. Sa isang banda, ang mga pamilya at pensioners ay umiwas sa isang mabigat na multa na halos 1450,00 gayun din ang mga colf, caregivers at babysitters ay nakaka siguro sa kasalukuyan na walang anumang presyon sa voluntary resignation na haharapin.
Bukod dito ay hinihintay pa rin sa kasalukuyan ang isang opisyal na komunikasyon buhat sa Ministry. Inihayag noong nakaraang Huwebes at walang anumang ‘katibayan’ na panghahawakan na magpapatunay na tapos na ang napabalitang panganib.
Samantala, kumilos ang Inps. Sa isang Circular ng tanggapan noong nakaraang Biyernes ay itinalaga rin ang mga bagong halaga ng kontribusyon ng mga domestic workers, ay matatagpuan rin ang tatlong mahahalagang linya na nagpapatunay ng pagsang-ayon sa naging opinion ng tanggapan ni Elsa Fornero na kasalukuyang berbal pa lamang.
Ayon sa Circular: “Ukol sa kontribusyon batay sa pagwawakas ng employment na mayroong kontrata na tempo indeterminato na nasasaad sa talata 31, art. 2, batas noong 28 june 2012, n. 92, tulad ng susog sa talata 250, art. 1, batas noong 24 dec 2012, n. 228, sinasabing ito ay hindi angkop at nararapat sa domestic job bilang pagsaalang-alang sa mga pekulyaridad ng huling nabanggit”.