“Isang sentensya matapos hindi lisanin ang Italya, hindi isang hadlang”
Roma – May 12, 2011 – Ang sinumang nahatulan ng hindi pagsunod sa isang order of expulsion ay may karapatan na maging regular. Isang kontrobersiya na nagsimula sa umpisa ng regularisasyon ng mga colf at care givers at sa wakas ay tila natagpuan na ang isang solusyon sa pamamagitan ng isang sentensya kahapon ng Consiglio di Stato (the main legal, administrative and judiciary body)
Ang batas noong 2009 ay nagbigay daan upang maging regular ang mga colf ay malinaw na nagsasaad na ang isang dating order of expulsion ay hindi isang balakid upang makakuha ng permit to stay. Ngunit hindi malinaw para sa sinumang nabigyan ng order of expulsion at muling nahuli na nasa bansa pa rin ng Italya at pagkatapos ay naaresto, nahatulan at muli ay pinatalsik, tulad ng nasasaad sa teskto ng Immigration Law (seksyon 14 talata 5 Ter ng Pambatasan Decree 286 / 1998).
Sa mga kasong ito, ang ilang mga Questure ay nagpapahintulot pa rin sa regularisasyon, ngunit ang iba ay pine-pending ang mga ito at muling nag-iisyu ng bagong order of expulsion hanggang noong Marso ng taong 2010 sa pamamagitan ng isang circular buhat sa Chief of Police Antonio Manganelli ay nagpalabas ng isang mas matigas na posisyon. Maraming mga hukuman at mga eksperto ang hindi sumang-ayon sa naging interpretasyon, hanggang sa ito ay umabot sa isang pagpupulong sa plenaryo ng Konseho ng Estado.
Pagkatapos ng unang kaso na hindi ugnay sa mga bagay na ito, kahapon ang Konseho ng Estado ay naghayag ng isang pinal na sentensya para sa sinumang hindi sumunod sa isang order of expulsion (Artikulo 14, talata 5-Ter ng Pambatasan Decree 286 / 1998) na hindi ito isang hadlang para sa regularisasyon. Ang ganitong krimen, ayon pa sa mga hukom, ay hindi na kino-konsidera , dahil ito ay taliwas sa direktiba ng Europa ukol sa pagpapauwi sa sariling bansa ng mga iligal na dayuhan , katulad ng nasasaad kamakailan lamang sa European Court of Justice.
Ang aplikasyon ng batas ng mga Member States, ayon sa sulat ng mga hukum, ay nagresulta ng pagtatanggal sa krimen sa sinumang nanatili sa Italy matapos makatanggap ng isang pagpapatalsik, na may bisa sa nakaraan (o retrospective). Ang bisang ito ay sasalungat sa panukala ng regularisasyon at pinagtibay batay sa isang katotohanan na hindi na ibinigay ito bilang isang krimen.