in

Dalawang taong validity ng permit to stay sa mga nawalan ng trabaho

Casucci (UIL): “Kailangang tulungan ang mga naapektuhan ng krisis na ngayon ay kailangang lisanin ang Italya. Huwag sayangin ang kapasidad at human resources. Magbukas muli ng regular na pagpasok sa bansa ng mga manggagawa”.

 

Roma, Nobyembre 3, 2015 – Kahit na patuloy ang krisis sa ekonomiya, ang mga senyales buhat sa labor market ay nagbibigay ng pag-asa. Partikular, ay tumass ng bahagya ang employment rate ng mga manggagawang dayuhan. Samantala ang mga nawalan ng trabaho ay patuloy na nanganganib matanggalan ng karapatang manatili sa bansang Italya. Kailangan ng isang tagapaglistas upang muli, sila ay maging bahagi ng pag-unlad ng Italya.

Sa ikalawang trimester ng 2015 ay naitala ang pagtaas ng 4.2% ng employment rate ng mga dayuhang manggagawa kumpara sa nakaraang taon“, kumpirma ni Giuseppe Casucci, ang national coordinator ng Migration Policy Department ng UIL sa Stranieriinitalia.it. “Ang unemployment rate sa ngayon, ayon pa dito – ay 16.9% na noon ay umabot sa 18%, habang ang mga Italians ay hindi kaylan man tumaas sa 13%.

Ang epekto ng krisis ay malakas pa rin hanggang ngayon.

Oo. Ayon sa Dossier ng IDOS, noong nakaraang taon ay mayroong 150,000 permit to stay ang napaso at hindi na na-renewed. Ang pangunahing dahilan ay ang pagkawala ng trabaho. Mayroon ding nilisan na ang Italya o umuwi for good sa kani-kanilang sariling bansa, ngunit ang malaking bilang ay ang mga naging irregulars, na nagpapatuloy mag-trabaho ‘in nero’, walang anumang proteksyon at kumikita ng mas mababa”.

Bakit ang krisis ay mas apektado ang mga dayuhan?

“Dahil higit na apektado ng krisis ang sektor kung saan sila nagta-trabaho at kumpara sa mga Italians, sila ay mas mahina at madaling matakot. Malakas ang hinalang karamihan sa kanila ay sinabihan ng mga employers na: maaari kang magpatuloy mag-trabaho ngunit hindi declared o nero. Totoo rin na ang mga dayuhang manggagawa ay ang mga unang nagkaka-trabaho sa pagtayo ng ekonomiya, ngunit ang problema ay marami ang natanggalan ng permit to stay na hindi na maaaring ma-empleyo ulit“.

At wala ng solusyon kapag naging irregular?

Ayon sa kasalukuyang panuntunan, walang solusyon. Kung mawawalan ng permit to stay, ay matatanggal rin sa labor market ng regular jobs. At dahil dito, sa paglala ng krisis ay hiniling ng mga unyon at kanila namang natanggap, na isyuhan ang sinumang nawalan ng trabaho ng permesso di soggiorno per attesa occupazione na doble ang validity: hindi anim na buwan bagkus ay isang taon at mas mahaba sa validity ng unemployment benefit”.

At sa ngayon, sapat ba ang panahong ito?

“Malinaw na hindi, kung 150,000 katao ang nawalan ng karapatang manatili sa Italya. At dahil dito ay nangangailangan ng karagdgang extension, kahit dalawang taong validity ng permit to stay per attesa occupazione. Ito ay aming hiniling na ng ilang beses sa gobyerno, hindi naman sumagot ng hindi, at mayroon diumanong mga posibilidad, ngunit pansamantala, ay walang nagbago.

Dapat bang baguhin muli ang batas?

Ang pinakamahusay na paraan ay ang isang pagbabago sa Immigration Act, marahil sa pamamagitan ng isang susog sa Stability bill (disegno di legge) 2016 na kasakuluyang nasa sesyon sa Parliyamento. Samantala, maaaring ring magbigay ng indikasyon sa punong-himpilan ng pulisya o Questura, ng mga simpleng Circular. Ang kasalukuyang batas sa katunayan ay nasasaad na ang permesso per attesa occupazione ay balido ng hindi bababa sa isang taon at samakatwid ay may posibilidad na mag-isyu nito ng may dalawang (2) taong validity.

At kung ang ekonomiya at employment ay tunay na muling tumaas?

Sa ganitong kaso, ang Italya ay magkakaroon ng higit na pangangailangan sa mga dayuhang manggagawa. Ano ang kahulugan ng muling pagpapapasok ng mga dayuhan mula sa ibang bansa ng hindi bibigyan muna ng pagkakataon ang mga nandito sa Italya? Pilitin paalisin ang mga dayuhang nagkaroon ng mga pormasyon at karanasan at namumuhay na sa Italya. Ito ay isang pagsasayang sa kapasidad at human resources. Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga nawawalan ng requirements para ma-renew ang permit to stay, bago lalong tumaas ang bilang ng mga irregulars“.

Ang influx o mas kilala sa tawag na direct hiring ng mga mangaggawa buhat sa ibang bansa ay matagal ng inihinto. Dapat bang muling magbukas ng pinto ang Italya para sa direct hire?

“Sa kagitnaan ng krisis ay mauunawaan ang desisyong ihinto ang direct hire. Bukod dito, ang mekanismo nito ay hindi tama, ito ay naging isang merkado ng mga aplikasyon na binabayaran rin ng mga dayuhan mismo. Ito ay salungat sa demand at supply. Ang mekanismo sa pagpasok ng mga worker ay dapat baguhin halimbawa ang pamamagitan ng mga sponsor. “

Walang direct hire hangga’t walang bagong sistema?

“Hindi. Kailangan pa rin ang pagbibigay ng pahintulot sa mga new entries para sa trabaho, dahil sa kasalukuyan, ay walang regular na pagpasok ng mga manggagawa sa Italya. Hindi natin maaaring ipikit ang mga mata sa pagpupumilit makapasok at pagkatapos ay namamatay sa pagdaong ang mga migrante. Kung mayroong ibang paraan ng pagpasok sa Italya ay hindi kaylan man magtitiwala ang mga ito sa mga ‘mapagsamantala’. Tama ang pahintulot sa mga quota para sa sektor kung saan may pangangailangan at para sa mga bansang tumutulong na mahinto ang mga pagdaong ng mga barko na walang natanggap na anuman sa mga huling taon”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rice N Grain sa Youtube tuwing Sabado

Filipino Blood Donors of Milan, patuloy sa kanilang adbokasiya