Ang propesor (mula sa party list ni Monti), ay ang party leader sa Veneto Region: "Ang Italya ay nangangailangan pa rin ng mga imigrante, aalis lamang ang mga maaaring bumalik. Ang kanilang mga anak ay tulad ng atin, nararapat lamang ang pantay na oportunidad"
Roma – Enero 29, 2013 – Magdadala si Monti sa Parliament ng isang dalubhasa sa imigrasyon na paninindigan ang prinsipyo ng "pantay na oportunidad para sa lahat", nais muling isulat ang mga batas ng pagpasok sa bansa at ang pananatili sa Italya at ang reporma sa batas sa pagkamamamayan.
Gianpiero Dalla Zuanna, isang propesor ng demograpya sa University of Padua, dating dean ng Department of Statistical Scienze, ay leader sa Senado sa Veneto ng party list “Con Monti per l’Italia”. Magsisimula sa pag-aaral ng mga datas para sa bagong panimula at inilapat ang migrasyon at ikalawang henerasyon bilang mga pangunahing tema ng kanyang mga pananaliksik.
Bakit ang programa ni Montiayhindinagbanggit ng anuman ukol saimigrasyon?Hindiba ito interesado para sa inyo?
Ang programang iyon ay maraming hindi binanggit, halimbawa, babahagya ang nabanggit ukol sa pamilya. Iyon ay nakatutok sa aspeto ng ekonomiya. Ngunit kami ay naniniwala na ang tema ay mahalaga at isipin na lamang ang ginawa ng gobyerno ni Monti ngayong taon. Halimbawa, angpagtatangkangalisin angbuwissamga permit to stay, na tinatawagkong "ang buwis sakahirapan", na ipinasokngnaunang gobyerno.
Ngunit hindi niya ito tinanggal?
Dahil itinanong sa mga partido kung saan dapat mag cost-cutting, kung saan makakakuha ng pondo upang takpan ang mga kakulangan na magiging sanhi ng tatanggaling buwis. At sa Parliament ay hindi nakatanggap ng kasagutan, walang interes ang karamihan. Pagkatapos ay ang Regularization, isang mahalagang pagkakataon.
Nakita natin ang numero, marahil ay hindi pinalampas na pagkakataon, bagkus ay isang flop?
Hindi ako naniniwala. 150,000mga undocumented ang nare-regularize, 1:4 o 500,000 ang mga undocumented, ito ay isang magandang risulta. Mayroong mga batas na dapat sundin bukod sa mahigpitnamgatuntuninng European Union. Kahitdoon, ay nagkaroon ng malakas napagtulak buhat sa ‘kanan’ upang maging “choosy”. Isangpagsubokngpopulism.
Tungkol sa populism, ang"mapanganib naimigrasyon" aymuli angstrong point sa pangangampanya ni Berlusconi at ni Maroni.
Isipinna lang na angLega Nordaydapat magpasalamat samga imigrante. Ayon sa hulingCensus aymay pagtaassapopulasyondahilsamgadayuhan, atkaraniwang matatagpuan sa hilaga. Anghalalan saParlamentoayayon sapopulasyon, botante o hindi, Italiansatmga dayuhanatdahil dito angNorthItaly ngayon ay mas maraming pwesto.
Nangangahulugan ba ito na mga imigrante ang dahilan kung bakit maraming mga leghisti sa Parliament?
Sa kabilang banda, oo. Ngunit sa mas malalim na usapan, sa Parliament ay kumakatawan din kahit sa mga bata na hindi bumoboto, naniniwala ako na sa Kamara at Senado ay mayroong malaking responsabilidad maging para sa mga dayuhan na naninirahan sa Italya.
Paano nyo po paninindigan ang obligasyong ito?
Marami ang mga dapat gawin at babanggit ko lamang ang mga pangunahin. Unang una sa lahat ay kailangang baguhin ang batas sa pagpasok at pagpapatalsik ng bansa, dahil kung ano ang mga batas sa kasalukuyan ay hindi angkop ang mga ito. Kailangan ding magkasama ang tema ng permit to stay at trabaho ngunit ang sinumang nasa Italya na mayroong tourist visa ay maaaring ma-empleyo at magkaroon ng permit to stay. Ito ay magpapahintulot upang mabawasan ang mga irregularities, at kung imposibleng patalsikin ang 500,000 katao, kung magiging higit lamang ng sampung libo ang magi to ay naiiba ang usapan.
Ikalawang hangarin?
Kumilos sa karapatan ng citizenship. Kahit dito ang mga pagsusumikap ay hinadlangan ng ‘kaliwa’. Ako ay ayon sa ius culturae na ipinakilala ni Andrea Ricacrdi, kung saan ang mga anak ng mga imigrante ay maaring maging ganap na Italyano matapos ang isang gradong kumpleto sa paaralan (hal. elementary, high school etc..). Kailangan din na mapabilis ang proseso ng pagiging mga mamamayan, sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga panghuhusga sa mga imigrante.