in

DATI: “Ang Italya ay nag-iisa sa kasalukuyan ngunit isang pagkakamali ang pagbibigay ng temporary permit”

“Ang problema ng mga refugees ay pang Europa, ngunit ang temporary permit ay nakaka-akit sa iligal na imigrasyon at pinapaboran ang mga smugglers”, ayon sa dating Ministro ng France.

altAyon sa  Treaty of Lisbon, ang immigration ay isang tema ng EC. Ang Italya ay tamang igiit na ang problema ay pang Europa, “hindi maaaring kumilos ang bawat isa para sa kanyang sarili lamang dahil ito ay maglilikha ng pagkakaiba sa aplikasyon ng mga solusyon”. Kasalukuyang problema ang mga refugees dulot ng mga trahedya, ngunit ang iligal na imigrasyon ay hindi kaylan man matatanggap. "

Ito ay ayon kay Rachida Dati, dating Ministro ng Katarungan ng Pransya at miyembro ng majority party UMP, sa isang interview ng Corriere della Sera. Ngunit idinagdag niya na ang pagpili ng temporary permit ng Italy, "ay hindi isang magandang ideya. Sa ganitong paraan ay babagsak ang politika ng buong European migration policy".

Ayon pa kay Data, ipinanganak sa France mula sa amang Moroccan at inang Algerian, "lalong magiging pakiramdam ng mga Tunisians na mas may pagkakataong pumasok at manatili sa Europa at lalong susubukan ng mga ito ang makapasok  sa anumang paraan. Sa kabila ng mga teknikal na detalye, ng mga kinakailangan para makakuha nito, ay nagbibigay ito ng senyales ng pagkakataong tanggapin ang iligal na mga dayuhan. "

Ang pansamantalang permit ay "lumikha ng isang butas at nakaka-akit sa mga iligal na dayuhan. Pinapaboran nito ang mga kriminal at mga smugglers". Ayon pa kay Data, ay sumang-ayon ito na ang problema ay hindi sa Italya lamang, ngunit sa buong Europa at nananawagan sa EU Commission President Barroso, na ngayon ay  nasa Tunis upang gumawa ng mga kongkretong panukala. At bilang pagtatapos, “nais ko na marinig ang tinig ng Madame Ashton [isang ministro ng EU], na hanggang sa ngayon ay hindi nakikita at naririnig."

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoys in Fukushima area, urged to evacuate

Malacañang, lumalayo sa isyu ni Willie