in

Dayuhang mag-aaral sa Italya, record ngayong taon!

Ayon sa Ministry of Education, sa kasalukuyan ay humigit-kumulang 889,000 ang mga mag-aaral na may parehong mga magulang na hindi Italians.
Ayon sa Ministry of Education, sa kasalukuyan, ay humigit-kumulang 889,000 ang mga mag-aaral na may parehong mga magulang na hindi Italians

Nagtala ngayong taon ang Italya ng pinakamataas na bilang ng mga dayuhang mag-aaral. Ayon sa Ministry of Education, sa kasalukuyan ay humigit-kumulang 889,000 ang mga mag-aaral na may parehong mga magulang na hindi Italians sa kabuuang 8.1M. Ayon sa ahensya, ito ay isang record at bilang na hindi pa kahit kailan naabot sa Italya: 814,500 ang mga pumapasok sa mga public school habang 74,500 ang naka-enrol sa mga pribadong paaralan. Matatandaang noong Academic Year 2020-2021 ay naitala ang bilang na higit sa 865,000.

Ayon pa rin sa Ministry, posibleng umabot sa 1M ang mga dayuhang mag-aaral hanggang 2033. Isang mabilis na pagdami kung isasaalang-alang na 20 years ago, ang mga non Italians na mag-aaral ay halos 240,000 lamang at 30 years ago ay higit 30,000 lamang. 

Kasabay nito, iniulat din ng Ministry ang pagbaba sa bilang ng mga mag-aaral na Italians, mula 6,854,000 noong 2017-2018 sa 6,472,000 ngayon. Higit sa 380,000 ang ibinaba sa loob lamang ng 5 taon. 

Sa kindergarten, ang mga dayuhan ay kumakatawan sa 13.4% ng kabuuan, habang sa elementarya ay 14%. Sa middle school, sa kabilang banda, ay 11.7% ang mga mag-aaral na hindi Italyano. Mas mababa naman sa high school: 7.8%, at ito ay nangangahulugan ng isang (1) mag-aaral sa bawat 13

Samantala, naitala naman noong 2020-2021 ang 53% ng mga mag-aaral na dayuhan ang huli o nasa mas mababang antas kumpara sa kanilang edad, habang 16% naman ang naitalang datos ng mga Italyano.

Mas maraming dayuhang mag-aaral sa mga rehiyon sa North Italy. Partikular, sa Emilia-Romagna ay naitala ang 28% na mga non-Italians. Ang Friuli-Venezia Giulia, Liguria, Lombardia at Veneto ay nagtala rin sa pagitan ng 20% ​​at 24% sa nursery at primary school. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dichiarazione di presenza, sino ang dapat gumawa nito sa Italya? 

Bonus Psicologo, extended hanggang 2023