Ang integration agreement ay isang kasunduan sa pagitan ng Italya at ng mga dayuhang dumarating sa unang pagkakataon sa Italya. Karamihan ng mga kasunduang pinirmahan ay sa Roma at Milano.
Roma, Nobyembre 10, 2015 – Maaari lamang manirahan sa Italya, kung igagalang ang batas at magsusumikap ma-integrate. Paano? Una sa lahat ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang italyano, pagkilala sa Republika at pag-aaral sa mga batas nito at pag-papaaral sa mga anak.
Ito ang nilalaman, sa madaling salita, ng kilalang accordo di integrazione o integration agreement na simula noong 2012 ay kailangang pirmahan ng mga dayuhang darating sa Italya. Isang sistema na sa pamamagitan ng tinatawag na ‘permesso di soggiorno a punti’, ay nadadagdagan ang puntos (o merits) sa bawat naisasakatuparang layunin at nababawasan naman (o demerits) sa bawat maling hakbang o pagkukulang.
Ang mga puntos ay nagsisimula mula sa 16 puntos at hangarin ang maabot ang 30 puntos. Makalipas ang dalawang (2) taon mula ng pirmahan ang kasunduan at nasasaad ang unang pagsusuri (kasama din ang pagsusulit sa wikang italyano at Sibika) at ang karagdagang taon upang makabawi kung hindi naisakatuparan ang pinirmahang kasunduan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Ministry of Interior na inilathala kamakailan, hanggang noong Nobyembre 9, 2015, ay 227.414 kasunduan ang mga napirmahan. Malaking bahagi nito ay sa Roma (26,435 o ang 11,62%) at Milano (24.501 o ang 10,77%), Turin (8.925 o ang 3.92%), Napoli (8.389 o ang 3,69%),Florence (7.066 o ang 3,11%), Bergamo 6.901 o ang 3,0%) at Brescia (2.88%).
Marahil ay iisiping maliit ang bilang na ito, ngunit kailangang isaalang-alang na sa Italya ay naninirahan ang halos 4 na milyong non-EU nationals. Kailangan ring isaalang-alang na ang integration agreement ay nakalaan sa mga bagong dating na dayuhan at ilang taon na rin na ang pagpasok sa bansa bilang manggagawa ay inihinto.
Ministero dell’Interno. Accordi di integrazione stipulati a 9 novembre 2015 ripartiti per provincia