Ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya ay hindi na maaapektuhan ng "hindi pagtupad sa administrative procedure" (o ang tinatawag sa wikang italyano na inadempimenti di natura amministrativa) ng mga magulang o ng Munisipyo tulad ng kawalan ng pagpapatala sa registry office (o anagrafe). Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng mga patunay na dokumento.
Rome – Hunyo 20, 2013 – Nabawasan ang mga hadlang para sa mga kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya na anak ng mga imigrante, na sa pagsapit ng ika-18 taong gulang ay nagnanais na maging ganap na italyano batay sa kasalukuyang batas. Hindi ang pagkukulang ng mga magulang o ng public office ang magiging hadlang sa kanilang pagiging ganap na italyano.
Ito ay nakasulat sa panukalang batas (disegno di legge) "Panukala ng semplipikasyon para sa mga mamamayan at mga kumpanya at bilang susog" ang inaprubahan kahapon ng gobyerno sa Konseho ng mga Ministro, na sasailalim sa pagsususri ng Parliyamento.
Isang artikulo ng nasabing bill ang ayon sa bagong Ministro ng Integrasyon Cècile Kyenge (matatagpuan ang buong teksto sa ibaba) na nagsasaad na ang karapatan sa pagkakaroon ng citizenship ay mananatili sa “kasong hindi pagtupad sa administrative perocedure’, hindi kasalanan ng taong involved, ng magulang o ng ibang tao”.Ngunit mahalagang ipakita "din sa pamamagitan ng iba pang mga papeles, na nanatiling nanirahan sa Italya simula kapanganakan."
Sa ganitong paraan ay masosolusyunan, halimbawa, ang mga kasong naka-pending sa dahil sa ‘patlang’ ng panahon ng pagpapatala sa anagrafe. Sa katunayan, ay maaaring ang isang bata ay nagpatuloy na naninirahan ng regular sa Italya, kasama ang mga magulang na nagtataglay ng permit to stay, ngunit pansamantalang nawala sa listahan ng mga residente dahil sa paglipat ng tirahan ng pamilya at hindi ipinagbigay-alam ang naganap na paglipat gayun din ang bagong address sa public administration kung saan nanirahan.
Sa ngayon, hindi na batayan ang tinatawag na ‘certificati storici di residenza’ bagkus ang ilang uri ng doukumento tulad ng school certificate, certificate of vaccination o medical certificate. Hindi makatwirang tanggihan ang pananatili sa Italya ng isang bata, na hindi nakatala bilang residente, ngunit pumapasok naman sa elementary school, na nagpa-bakuna ng anti-tetano o na-confined dahil sa tosillitis.
Sa katunayan, isang ‘maluwag’ na paraan sa pagsusuri ng mga patunay ng pananatili sa Italya, sa kaso ng maigsing panahon ng ‘patlang’ sa listahan ng mga residente, na una ng nasasaad sa isang Circular noong 2007 na pinirmahan ni Minister Giuliano Amato, ng Interior. Gayun din ng iba’t ibang mga hatol sa mga tinanggap na apila buhat sa mga kabataang nasa sitwasyong nabanggit, kung magpapakita ng katibayan na ipinanganak at lumaki sa Italya.
Ang mahalaga sa ngayon ay ang lahat ng ito, sa pagiging batas sa wakas ay ipatutupad sa lahat.
Art. 6
(Disposizioni in materia di cittadinanza)
1. Il figlio di genitori stranieri, nato in Italia, al compimento della maggiore età ha diritto ad acquistare la cittadinanza italiana, ai sensi dell’articolo 4, comma 2, della legge 5 febbraio 1992, n. 91, anche in caso di eventuali inadempimenti di natura amministrativa, non imputabili all'interessato, riconducibili ai genitori, agli ufficiali di stato civile o ad altro soggetto, se dimostra anche con altra documentazione la sua dimora in Italia fin dalla nascita (Bozza entrata in Consiglio dei Ministri)