in

Deadline ng mga kontribusyon, nalalapit na

Ang unang kontribusyon sa taong 2012 para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso. Narito ang table.

altRoma, Abril 2, 2012 – Hanggang sa nalalapit na Abril 10, ang mga pamilyang mayroong colf, babysitters at caregivers ay dapat na bayaran ang social contibution para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso.

Ang mga employer ay babayarn rin pati ang bahagi ng mga manggagawa, na maaaring kaltasin na lamang sa mga sahod nito. Ang kontribusyo ay nag-iiba ayon sa halaga ng sahod, maging sa oras ng trabaho kada linggo, ayon sa table sa ibaba.

Maaaring magbayad online sa pamamagitan ng www.inps.it, ng mga tobacconists, post offices gamit ang postal bill na ipinadala ng tanggapan ng Inps sa mga employers. Sa sinumang hindi nakatanggap ng mga postal bills ay maaaring kumuha ng personal sa tanggapn ng Inps o humingi sa pmamagitan ng toll free number 803164.

Sahod per hour             (Importo contributo orario)

Halaga ng mayroong family allowance                             (con quota assegni familiari)

Halaga ng walang family allowance                         (senza quota assegni familiari)

Fino a euro 7,54

  € 1,40 (0,34)*

€ 1,41 (0,34)**

Oltre € 7,54 e fino a € 9,19

  € 1,58 (0,38)*

€ 1,59 (0,38)**

Oltre € 9,19

  € 1,93 (0,46)*

€ 1,94 (0,46)**

Lavoro superiore a 24 ore settimanali***

  € 1,02 (0,24)*

€ 1,02 (0,24)**

* Ang halagang nasa parenthesis ay ang halagang bahagi ng manggagawa

**Ang halagang walang family allowance dahil ang worker ay asawa ng employer o kamag-anak hanggang third degree at nakatira kasama ang employer

*** Mga halaga ng kontribusyong kabilang sa fourth phase na hindi nakabase sa per hour na sahod, sa halip ay tumutukoy sa serbisyong ipinagkaloob sa isang employer na mayroong 25 oras kada linggo (minimum) at ipinapataw sa bawat oras ng trabaho kada linggo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas, record sa ginanap na Earth Hour

Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito? (Unang bahagi)