Kailangang antayin ang kalagitnaan ng Disyembre upang malaman ang kapalaran ng pamahalaan sa pamumuno ng Prime Minister na si Silvio Berlusconi. Ang Parlyamento ay inuna ang pagsusuri at pag aapruba sa mga batas ng ekonomiya at ng budget bill, na pinag babasihan ng pampublikong pondo. Isang mahalagang kaganapan, dahil ang mga batas na ito ay basihan ng kredibilidad ng Italya sa International Market. Ito ang pangunahing dahilan ng pag aapruba muna, bago ang pag beberipika kung si Berlusconi ay susuportahan pa rin ng karamihan sa Parlyamento matapos ang pahihiwalay nila ni Gianfranco Fini, ang dating kapanig na nagtatag ng isang bagong partido.
Sa Disyembre 14 sa House of Representative at Senado, sa dalawang magkahiwalay na boto, ay magpapasiya sila kung i-renew ang kanilang tiwala sa pamahalaan, isang kaganapan na aayon sa Saligang-Batas, para manatili sa kanyang panunungkulan. Ang mga supporters at opponents ng pamahalaan ay nais dalhin sa kanilang partido ang mga kinatawan ng Parlyamento na hindi pa rin nakakapag pasiya hanggang sa kasalukuyan.