Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro noong nakaraang October 5, 2020 ang mga susog sa Decreti Sicurezza na inaprubahan ni dating Minister of Interior na si Matteo Salvini at ipinatupad ng halos dalawang taon .
Ang mga susog ay sa mga artilulo ng 131-bis at 588 ng penal code na magbabago sa mga patakaran na ipinataw sa mga barko ng mga NGOs na tumutulong sa pagsagip sa buhay ng mga migrante sa Mediteraneo.
Narito ang mga pagbabago:
- Ang probisyon ng gobyerno ay hindi nagtatanggal sa multa para sa mga NGOs ngunit nagsasaad na ang pagbabawal sa pagpasok sa water territory ng Italya ay ipapataw lamang kung ang barko na may hangaring magligtas ay hindi ito ipinagbigay-alam sa awtoridad ng Italya at ng mga bansang pinagmulan ng mga migrante; ang maximum na halaga ng multa ay hindi maaaring lumagpas sa 50K euros at tinanggal na din ang administrative sanctions, kabilang ang pagkumpiska sa barko. Gayunpaman, para sa mga lalabag sa pagpasok, ang panganib na makulong ng hanggang 2 taon ay nananatili “sa kasong may kinalaman sa public order and security o ang paglabag sa batas ng trafficking sa pamamagitan ng dagat”.
- Tungkol naman sa tulong sa mga dumarating na refugess, ang susog na isinulong ng gobyerno ay ang pagbabalik sa “Humanitarian protection” na tinanggal ng Decreti Salvini.
- Nasasaad din sa bagong Decreto Legge ang convertion sa permesso di soggiorno per lavoro ng mga sumusunod: – permesso di soggiorno per protezione speciale e per calamità; – per residenza elettiva; – per acquisto della cittadinanza o dello stato di apolide; – per attività sportiva; – per lavoro artistico; – per motivi religiosi; – per assistenza minore. Ang convertion ay matagal ng hiling ng mga asosasyon na tumutulong sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga migrate at mga asylum seekers.
- Ang mga asylum seekers ay maaari ng makabalik at magkaroon ng access sa dating SPRAR na ngayon ay SIPROIMI, na itinuturing na mas epektibo pa kaysa sa mga malalaking sentro para sa mga bagong dating na refugees – sa halip ay binago ni Salvini sa nakaraan at inilaan sa mga nakakatanggap na ng proteksyon, na nagtanggal ng tunay na layunin nito.
- Muling ibinalik ang divieto di respingimento ed espulsione sa mga bansa kung saan ang mga dayuhan ay nanganganib na mapailalim muli sa “hindi makataong sitwasyon at ipinagbabawal din ang pagpapatalsik sa kasong nasa panganib ang karapatang pantao at buhay bilang pribado at pamilya”.
- Ang mga asylum seekers ay maaaring magpatala muli sa Anagrafe Comunale at makakatanggap ng Carta d’Identità na balido ng 3 taon, mga tinanggal din ng Decreti sicurezza.
- Nasasaad din sa bagong decreto legge ang maximum na panahon ng pananatili sa mga Centri d’Accoglienza para sa repatriation mula 180 sa 90 days at binabaan din ang panahon sa proseso ng italian citizenship mula 48 na buwan sa 36 na buwan.
Basahin din:
- Decreti di Sicurezza, tatanggalin!
- Pangako ni Conte kay Matarella: Babaguhin ang Decreto Sicurezza
- Italian Citizenship, 3 taon na lamang sa bagong Decreto Legge