in

Decreto Flussi 2014, binuksan na!

Nailathala na sa Official Gazette ang decreto flussi. Ito ay nagbibigay ng pagkakataong makapag-trabaho sa Italya ang 17,850 workers. Ngunit, ito ay hindi ang hinihintay at inaasahang decreto flussi tulad noon (o ang direct hire for domestic jobs) ng maraming dayuhan sa Italya.  

Roma – Enero 8, 2015 – Ang decreto flussi 2014 ay bukas na! Ito ay nagpapahintulot sa pagpasok ng 5500 workers at 12350 conversion ng permit to stay.

Muli, inuulit namin, sa kabuuang bilang na 17850, 5500 lamang nito ang tunay na magbubuhat sa ibang bansa, habang 12350 naman nito ay nakalaan sa maraming dayuhan na nasa Italya na at maaaring i-convert ang kanilang kasalukuyang permit to stay para sa trabaho o lavoro subordinato.   
Narito ang mga detalye:

 
5500 Entries
1,000 mga dayuhang manggagawa na tinapos ang education at formation program sa mga sariling bansa batay sa artikulo 23 ng legislative decree ng July 25 1998, bilang 286
2,400 mga self-employed, entrepreneurs o negosyante kabilang sa mga kategoryang binanggit sa batas bilang 221 ng Disymbre 17, 2012, sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng batas.
100 mga subordinate foreign workers at/o mga self-employed na may lahing italyano maaaring dahil sa mga magulang hanggang sa third degree na nakalaan  sa mga residente ng bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil.  
2000 mga non-EU nationals na lalahok sa Milan Expo 2015 (na may pahintulot na noong nakaraang Spring pa)
 
Conversion
Maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato:
 
4,050 permesso di soggiorno per lavoro stagionale;
6,000 permesso di soggiorno per studio, tirocino at/o formazione professionale
1,000 carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third-country nationals.
 
Maaari namang i-convert sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo:
 
1050 permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale
250 carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa mga third-country nationals.
 
Simula noong nakaraang Dec 30, mula alas 9 ng umaga hanggang August 29, 2015ay maaari ng magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior.

Forms

Narito ang iba’t ibang uri form na kailangan sa aplikasyon. Ito ay nag-iiba batay sa uri ng pangangailangan:
 
Form A at B para sa mga workers na may lahing italyano na residente ng mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil,
Fomr VA para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato.
Form VB para sa conversion ng mga permit to stay per lavoro stagionale sa lavoro subordinato.
Form Z para sa conversion ng mga permit to stay per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo
Form LS para sa conversion ng mga carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa permesso di lavoro subordinato
Form LS2 para sa conversion ng mga carta di soggiorno na inisyu ng ibang EU member state sa lavoro autonomo.
Form LS1 para sa request ng nulla osta sa domestic job para sa mga dayuhang mayroong carta di soggiorno
Form BPS para sa nulla osta na nakalaan sa page-empleyo ng mga dayuhang bahagi ng special project.
 
Paalala: para sa pagpasok ng mga self-employed o entrepreneurs ay nakalaan ang isang partikular na pamamaraan. Ang mga workers naman ng EXPO Milan 2015 ay kailangang mag-log on sa bahaging area riservata ng website ng Interior Ministry.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anibersaryo ng Kamatayan ni Rizal, ginunita sa Roma

New entries at conversion para sa pagbubukas ng start up innovative, kabilang sa decreto flussi