in

Decreto flussi 2016, simula ng pagsusumite ng aplikasyon

Simulan ngayong umaga ang pagsusumite ng aplikasyon sa Minsitry of Interior ng decreto flussi 2016. Narito ang mga form na dapat gamitin batay sa uri ng aplikasyon.

 

Rome, Pebrero 9, 2016 – Unang green light para sa decreto flussi 2016. Kaninang umaga 9:00 am ay sinimulan ang pagsusumite ng mga aplikasyon para sa pagpasok ng mga non-seasonal workers at para sa conversion ng mga permit to stay.

Lahat ay gagawin online sa pamamagutan ng website ng Ministry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/ Maaaring gamit ang sariling pc o sa tulong ng mga authorized office o patronato.

Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala hanggang Dec 31, 2016. Inaasahang sapat ang bilang o quota na itinakda ng dekreto kung kaya’t hindi kinakailangan ang magmadali.

Muli, ipinapaalala sa lahat na ito ay hindi isang regularization.

Upang malaman kung paano maaaring isumite ang aplikasyon, ang Ministries of Interior at Labor ay naglathala ng isang gabay.

Narito naman ang mga uri ng form na dapat gamitin batay sa uri ng aplikasyon.

Form A at B para sa mga may lahing Italyano buhat sa bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil;

Form VA conversion ng mga permit to stay mula per sturdio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno di lavoro subordinato;

Form VB conversion ng mga permit to stay mula lavoro stagionale sa lavoro subordinato

Form Z conversion ng mga permit to stay mula per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo;

Form LS conversion ng mga EC long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU Member State sa permesso di lavoro subordinato,

Form LS2 conversion ng mga EC long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU Member State sa lavoro autonomo,

Form LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta al lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit

Modelo BPS para sa aplikasyon ng Nulla Osta na nakalaan sa mga manggagawang kabilang sa special projects.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Employment at unemployment rate ng mga Pilipino sa Italya

USA, kasama ng Italya at Europa sa pagsagip sa mga refugees at sa laban sa sindikato