Sinimulan ngayong araw ang pagpi-fill up ng mga application sa website ng Ministry of Interior. Ang submission naman ay nakatakda mula sa March 20. Narito ang mga forms na dapat gamitin.
Marso 14, 2017 – Nagsisimula ngayong araw ang unang bahagi ng decreto flussi 2017.
Simula kaninang umaga ay maaari ng sagutan at i-save ang mga aplikasyon sa website ng Ministry of Interior para sa mga non-seasonal entries at mga conversion ng mga permit to stay. Ang mga ito ay ipapadala online naman simula sa Lunes, March 20. Ito ay maaaring gawin gamit ang sariling pc o sa tulong ng authorized office o patronato.
Ang pagsusumite ng aplikasyon ay nakatakda hanggang Dec 31, 2017. Paalala: kahit ngayong taon, ang mga bilang na nabanggit ay nakalaan lamang sa mga piling kategorya at hindi kabilang ang regularization ng mga undocumented sa Italya.
Narito ang mga forms na maaaring gamitin ayon sa pangangailangan:
- Modelli A at B para sa mga workers na residente sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil na Italian origins.
- Modello VA para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di lavoro subordinato;
- Modello VB para sa conversion mula permessi di soggiorno per lavoro stagionale sa lavoro subordinato;
- Modello Z para sa conversion mula permessi di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo;
- Modello LS para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
- Modello LS2 para sa conversion mula EC long term residence permit na inisyu sa ibang EU country sa lavoro autonomo;
- Modello LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta per lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit;
- Modello BPS para sa aplikasyon ng Nulla Osta sa hiring na nakalaan sa mga special projects
- Modello C para sa aplikasyon ng Nulla Osta al lavoro stagionale.