in

Decreto flussi 2017, itinalaga at hinati ang unang bahagi sa mga rehiyon at probinsya

Ginawa na ng Ministry of Labor ang unang distribusyon ng mga quota ng decreto flussi upang matugunan ang pangangailangan ng mga imigrante at employer.Narito ang unang bilang.

 

Abril 3, 2017 – Habang ang mga imigrante at employer ay nagpapatuloy sa pagsusumite ng mga aplikasyon, ay sinisimulan na rin ang conversion ng mga permit to stay at ang pagpasok ng mga seasonal workers na nasasaad sa decreto flussi 2017.

Sa katunayan, ang Ministry of Labour ay sinimula na rin ang pagtatalaga at distribusyon ng unang bahagi ng quota ng mga manggagawa sa mga probinsya. Sa pamamagitan ng Circular n. 6 noong Marso 22, 2017 ng Ministry of Labour at Social Policies kung saan nasasaad ang distribusyon sa bilang ng mga non-European workers, self-employed at/o subordinate workers, seasonal at non-seasonal workers, batay sa pangangailangan ng mga rehiyon at probinsya, para sa taong 2017 ng kasisimula pa lamang na decreto flussi. 

Partikular, para sa conversion sa subordinate at self-employment ay hahatiin ang bilang na 4.604; ang para sa aplikasyon ng seasonal job ay hahatiin ang bilang na 11,626 (kung saan ang 841 ay para sa multiple-entry authorization). 

Ang ikalawang bahagi ng bilang o quota ay itatalaga naman sa mga probinsya na hihingi pa ng karagdagang bilang. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Back to the Future, ang programa ng Assisted Voluntary Return and Reintegration

Scholarship mula sa Italian Foreign Ministry para sa mga dayuhang mag-aaral at mga mag-aaral na Italyano na residente sa ibang bansa