Sinimulan ngayong araw, alas 9 ng umaga, ang unang click day ng decreto flussi 2017, para sa pagsusumite ng mga non-seasonal job at conversion ng mga permit to stay.
March 20, 2017 – Kaninag alas 9 ng umaga, ay sinimulan ang unang click day ng decreto flussi 2017, para sa pagsusumite ng mga non-seasonal job at conversion ng mga permit to stay.
Ang mga aplikasyon ay esklusibong isusumite online, sa pamamagitan ng website ng Interior Ministry.
Ito ay maaaring isumite gamit ang sariling pc o sa tulong ng mga patronato.
Matatandaang itinakda ng Ministry of Interior ang pagpi-fill up ng mga application noong nakaraang March 14 para sa non-seasonal at self-employment batay sa art. 2 ng Decree.
Samantala, mula alas 9:00 ng umaga bukas, March 21, ay maaaring simulan naman ang paghahanda ng mga aplikasyon para sa seasonal job, sa pamamagitan pa rin ng website ng Ministry of Interior. Ang mga ito ay isusumite online simula sa March 28, 2017, ang ikalawang click day.
Ang mga aplikasyon, para sa non-seasonal, self-employment, conversion ng mga permit to stay at seasonal job ay maaaring isumite hanggang Dec 31, 2017.