Ayon sa Ministry of Interior, umabot sa 44,000 ang mga application forms na isinumite ng mga employers online para sa hiring ng mga non-Europeans para sa kasalukuyang Decreto Flussi 2019 sa kabila ng nakalaan lamang ang bilang na 18,000.
Gayunpaman, ang bilang ng mga natanggap na aplikasyon ay dadaan lahat sa mga pagsusuri mula sa iba’t ibang ahensya.
Kaugnay nito, 5,000 na ang mga nulla osta per lavoro stagionale ang ipinalabas ng Ministry of Interior at handa na ang mga ito para sa pag-aaplay naman ng entry visa sa mga country of origin ng mga non-Europeans.
Sa mga aplikasyon, umabot sa 22,000 o 49% ng kabuuan, ang para sa mga Indians bilang mga seasonal workers. Sinundan ito ng Moroccans na may bilang na 9,000 o 21%; Albanians 5,000 o ang 11% at Egyptians 2,000 o ang 11%.
Kahit sa bilang ng conversion ng iba’t ibang uri ng mga permit to stay na napapaloob rin sa decreto flussi ay nangunguna pa rin ang mga Indians, tinatayang aabot sa 2.200 o ang 36% ng kabuuan. Sinundan ng mga Albanians (900 o ang 15%), Moroccans (700 o ang 11%), Egyptians (500 o ang 9%) at mga Chinese (300 o ang 5%).
Matatandaang ang bilang na nakalaan sa conversion ng iba’t ibang uri ng permit to stay ay 9.850.