Pirmado na ang Decreto Flussi 2019 at naghihintay na lamang ng official registration ng Corte dei Conti at paglalathala sa Official Gazette, ayon sa portale immigrazione.
Matapos ang babala ng Coldiretti ukol sa panganib na haharapin ng sektor ng agrikultura, isang anunsyo na pirmado na ang Decreto flussi ang inilathala sa newsletter ng Categoria Agricola.
Ang pagdating ng mainit na panahon at samakatwid ang mabilisang paghinog ng mga prutas at ibang pananim ay nangangailangan ng pag-aani ng mga ito. At ang pagkaka-antala sa Decreto Flussi, tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino ay maaaring maging sanhi ng panganib sa sektor.
Ayon pa sa ulat ng portale immigrazione ay pirmado na ang decreto flussi 2019 at sa mga oras na ito ay naghihintay na lamang ng pormal na pagtatala ng Corte di Conti at ang paglalathala sa Official Gazette. Ito ay dahil na rin sa pagpupursigi ng mga agricultural compagnies at mga asosasyon partikular ang Coldiretti.
Ang opisyal na paglalathala nito ang magtatakda sa bilang o quota nito at magbibigay hudyat sa araw ng click day o ng pagsusumite ng aplikasyon online.