Binigyang tugon ni Minister Matteo Salvini ang katanungan ukol sa Decreto Flussi 2019 sa Parliament.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Ministro na ibigay ang kanyang opinyon ukol sa susunod na decreto flussi kaugnay sa kakulangan ng mga colf at caregivers na dayuhan sa pagtugon nito kay Honorable Liza NOJA (PD) sa ginawang question time sa Parliament.
“Kasalukuyang pinag-aaralan at sinuring mabuti ng ‘tavolo di coordinamento’ sa Office of the President of Ministers ang programa ng decreto flussi para sa susunod na taon, partikular ang kahilingan ng mga asosasyon, social organizations at mga Comune ukol sa pangangailangan ng mga pamilya na matutugunan lamang ng mga colf at caregivers”.
Gayunpaman, ayon sa Ministro ay kailangan umanong bigyan ng priyoridad at unang bigyan ng trabaho ang mga Italians bago bigyan ng trabaho ang ibang nangangailangan.
“Para sa akin, sa 3 milyong unemployed na naghihintay ng trabaho, sigurdao ako na maraming mga Italyano ang magnanais na maging caregiver kung regular ang hiring. Naniniwala ako na kailangan munang tulungan ang mga Italians bago natin tulungan ang ibang bahagi ng mundo. Kailangan bigyan ng priyoridad ang mga Italians”.
Kaugnay nito, nagbigay din ng update ang Ministro sa patapos ng decreto flussi 2018 kung saan inilaan ang 30,850 na bilang o quota para sa mga non-EU workers at 18,000 nito ay nakalaan para sa mga seasonal workers.
“Ang quota o bilang na inilaan para sa taong 2018 ay hindi pa lubos na nagagamit lahat”.
“Para sa akin ay hindi kakailanganin ang karagdagang bilang o quota para sa susunod decreto flussi”, pagtatapos ni Salvini.