Narito ang nilalaman ng Ministerial Circular ukol sa pagpasok sa bansa ng mga seasonal workers ngayong taon.
Nasasaad sa Decreto Flussi 2020 ang 18,000 entries ng mga seasonal workers mula sa mga bansang Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.
Sa unang pagkakataon, bilang eksperimento ngayong taon, ay nakalaan ang 6,000 entries para sa mga mamamayan ng parehong mga bansang nabanggit ngunit ang aplikasyon ay mula sa pangalan ng mga sumusunod na kumpanya bilang employer tulad ng:
- CIA,
- Coldiretti,
- Confagricoltura,
- Copagri,
- Alleanza delle Cooperative (kasama ang Lega cooperative e Confcooperative).
Ang 1,000 sa kabuuang bilang na nakalaan para sa seasonal workers ay nakalaan para sa aplikasyon ng mga nulla osta pluriennale o multi-year working permit.
Ang mga aplikasyon ay ipapadala simula alas 9 ng umaga ng October 27, 2020.
Basahin din:
- Ministerial Decree: Decreto Flussi 2020
- Decreto Flussi 2020, nasa Official Gazette na
- Flussi 2020: Non-seasonal job, Self-employment at Conversion ng mga permit to stay