Ang Decreto Legge 73/2022 ay nagpapahintulot sa pag-iisyu ng nulla osta sa mga aplikasyon na isinumite sa ilalim ng Decreto Flussi 2021 sa loob ng 30 araw mula magkaroon ito ng bisa. Gayunpaman, ang nasabing dekreto ay nagbibigay ng mga exemptions.
Basahin din: Mas madali at mas mabilis na proseso ng Decreto flussi, aprubado na!
Sa katunayan, kahit pa nasasaad ang pag-iisyu ng nulla osta sa kawalan ng mga opinyon na sanhi ng pagkakaantala, na responsibilidad ng Labor Inspectorate at Police Headquarters, nasasaad sa Decreto na:
- maaaring bawiin ang nulla osta at entry visa kung pagkatapos ng releasing ng mga nabanggit ay matagpuan ang mga posibleng hadlang;
- kapag nakuha na ang nulla osta, ay posible na ang i-empleyo ang mga irregular na dayuhan na nasa Italya na, sa kundsiyong mapatunayan ang kanilang pananatili sa bansa sa petsa ng Mayo 1, 2022.
Basahin din: Nulla osta, dapat ibigay sa lahat ng pending application ng Decreto Flussi 2021
Mahalagang malaman, gayunpaman, na ang ikalawang nabanggit ay katulad ng kundisyon ng Regularization 2020, at maaaring lumitaw ang mga hadlang pagkatapos ng hiring, dahil ang magsasagawa ng mga pagsusuri ay ang Sportello Unico na haharapin ng dayuhan sa araw ng pagpirma ng contratto di soggiorno. Samakatwid, sa kaganapang masigurado ang pagkakaroon ng mga hadlang, ay posibleng hindi magtuloy ang employment.
Mahalagang tandaan gayunpaman, na ang pag-iisyu ng nulla osta ay hindi maibibigay sa ibang mga dayuhan at hindi maaaring maging regular sa ikalawang paraan.
Ito ay ang kaso ng mga dayuhang tumanggap ng expulsion decree para sa katahimikan at seguridad ng publiko o may hatol sa ilang partikular na krimen. Higit pa rito, tulad ng kaso ng Regularization 2020, ang mga penal o administrative case sa pagpasok at pananatiling iligal sa Italya ay sususpindihin at tatapusin kung sakaling magkaroon ng positibong resulta ang regularisasyon, o kapag naibigay na ang permesso di soggiorno. (Atty. Federica Merlo)