Matapos aprubahan sa Senado noong nakaraang Agosto, inaprubahan na din sa Constitutional Affairs Commission ng Chamber of Deputies, ang draft ng DPCM o ang Dekreto ng Pangulo ng Konseho ng mga Ministro, ukol sa 3-year programming ng Decreto Flussi o ang regular na pagpasok sa Italya ng mga foreign workers para sa tatlong taon 2023-2025, na una ng inaprubahan ng gobyerno noong July 6 sa preliminary examination.
Ang DPCM ay ang nagtatalaga ng mga pamantayan para sa bagong decreto flussi na nagbibigay sa kabuuang 452k quota o entries – kung saan ang 136,000 ay para sa taong 2023, 151,000 para sa taong 2024 at 165,000 para sa taong 2025.
Para sa 2023 ang bilang ng bagong quota o entries ay magiging available lamang matapos ang paglalathala nito sa Official Gazzete at samakatwid, maaaring makapagsumite ng mga aplikasyon para sa pagpasok sa bansa ng mga foreign workers batay sa kategorya at petsa na nasasaad sa decree mismo.
Sa katunayan, makalipas ang maraming taon, ay naglaan muli ng bilang o quota na 9,500 para sa non-seasonal workers sa family sector tulad ng colf at caregivers at social-healthcare sector.
Bagong Decreto Flussi, makakasama ulit ang mga colf at caregivers (akoaypilipino.eu)