Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Italya ay maituturing na mabilis ang pagpo-proseso sa mga aplikasyon ng Decreto Flussi 2023. Ito ay naging posible dahil sa pagbabago sa mga regulasyon, IT at organizational innovations na ginarantiya ang pagiging maagap at maayos na proseso sa pagsusuri ng mga aplikasyon.
Sa katunayan, dalawang buwan lamang matapos ang click day, ang Ministry of Interior ay tapos na ang pagsusuri ng higit 74,000 aplikasyon na natanggap ng ahensya para sa huling Decreto Flussi 2023. Ito ay katumbas ng 90% ng inilaang bilang o quota.
Higit na din sa 60,000 ang mga nullaosta na inisyu ng Sportelli Unici per l’Immigrazione ng mga Prefecture, at naipadala na din sa mga Italian Embassies/Consulates sa ibang bansa para sa releasing ng mga entry visa. Ito ay halos ang kabuuang bilang na nakalaan sa seasonal job at higit sa 60% naman ng bilang na nakalaan naman sa non-seasonal job. Bukod dito, higit sa 15,000 ang mga nullaosta na inisyu sa construction sector at higit sa 2,000 ang para sa hotel at tourism sector.
Naging mahalaga ang pangako ng Department for Civil Liberties and Immigration ng Viminale sa paglikha ng mga kondisyon sa regular na pagpasok sa Italya ng maraming dayuhang manggagawa sa maikling panahon.
Basahin din:
- Ministry of Interior, mas pinasimple ang access sa website ng Decreto Flussi 2023
- Decreto Flussi 2023: Nulla osta sa loob ng 30 araw at entry visa sa loob ng 20 araw
- Decreto Flussi 2023: Nulla osta al lavoro, kailan iri-release?