in

Decreto Flussi 2023 sa Official Gazette 

Inilathala na ang Decreto Flussi 2023 sa Official Gazette no. 21, kahapon January 26, 2023, ang DPCM ng Decembre 29, 2022 kung saan itinatalaga ang mga bilang o quota ng mga dayuhang manggagawa na maaaring pumasok sa Italya upang magtrabaho.

Itinatakda sa bagong dekreto ang maximum quota ng 82,705, kung saan ang 44,000 sa mga ito ay nakalaan para sa pagpasok ng mga seasonal workers.

Ang itinakdang bilang naman para sa entry para non-seasonal job at self-employment na dahilan ay 38,705, kung saan ang malaking bilang nito, 30,105 ay nakalaan para sa pagpasok sa non-seasonal subordinate job sa road haulage o autotrasporto, construction at tourism-hotel sectors, pati na rin sa sector ng mechanics, telecommunications, food at shipbuilding industries, bilang karagdagan sa taong ito. 

Isang mahalagang pagbabago ang napapaloob sa decreto flussi. Ito ay ang pagsusuri muna sa Employment Center o Centro per l’Impiego ng available na woker na nasa Italya na, bago ang magpadala ng aplikasyon ng work permit o richiesta di nulla osta para sa pagpasok ng worker mula sa ibang bansa. Ang pagsusuri ay gagawin sa pamamagitan ng isang isang request sa Centro per l’Impiego gamit ang isang angkop na form. Ang nabanggit na form ay ilalabas sa lalong madaling panahon. 

Samakatwid, ang aplikasyon para sa nulla osta ay pahihintulutang magpatuloy kung:

  • ang Centro per l’Impiego ay hindi tumugon sa ipinadalang request sa loob ng 15 working days mula sa petsa ng request; o
  • ang worker na ibinigay ng Centro per l’Impiego ay hindi angkop para sa trabahong inaalok ng employer; o
  • ang worker na ipinadala ng Centro per l’Impiego ay hindi nagpakita sa interview, maliban na lamang sa pagkakaroon ng makatwirang dahilan, makalipas ang hindi bababa sa 20 working days trabaho mula sa petsa ng request.

Ang resulta ng mga nabanggit na pangyayari ay isusulat ng employer sa isang self-certification na dapat ilakip sa aplikasyon para sa applikasyon ng nulla osta. 

Gayunpaman, ang verification ukol sa availability ng mga workers sa Italya ay hindi kinakailangan para sa mga seasonal workers at para sa mga trained workers sa ibang bansa

Isa pang mahalagang bagay sa taong ito, (sa kabila ng ito ay bahagyang nasubok sa decreto flussi 2021), ay ang, tatlumpung araw makalipas ang pagsusumite ng aplikasyon nang walang anumang hadlang na makikita, ang work permit o nulla osta ay awtomatikong ii-isyu at ipapadala online sa Italian embassy sa country of origin, na magbibigay ng entry cisa sa loob ng dalawampung araw mula sa araw ng aplikasyon.

Ang click day ay sa March 27, 2023, ibig sabihin, 60 araw makalipas ng paglalathala ng Decreto Flussi sa Official Gazette.

Bukod sa mga nabanggit, mga karagdagang detalye at ang proseso sa pagsusumite ng mga aplikasyon ay napapaloob sa inter-ministerial circular na inaasahang lalabas sa lalong madaling panahon. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 4.4]

Bonus Nido, sino ang maaaring mag-apply?

Fiesta ni Santo Niño 2023 sa Brescia