Sa isang joint circular ng mga concerned Ministries, ay inilathala ang implementing rules and regulations para sa pagpapatupad ng DPCM ng Sept. 27, 2023, o ang tanyag na Decreto Flussi, na nagsimula sa pamamagitan ng paghahanda sa mga aplikasyon simula October 30 hanggang November 26.
Assistenza familiare o Family care
Sa kasalukuyang Decreto Flussi ay kabilang ang pagpasok at pagta-trabaho ng mga manggagawang dayuhan sa family care sector, o mas kilala bilang colf at caregivers (Form A-bis)
Narito ang salary requirement para sa Assistenza familiare o Family care sector
Salary requirement para sa colf o badante
Ang employment contract ng worker ay maaaring indeterminato (o permanente), determinato (o pansamantala), full-time o part-time na hindi bababa sa 20 hrs weekly , sa kondisyon na ang sahod ay hindi bababa sa halaga ng assegno sociale. Samakatwid, katumbas o mas higit sa € 503,27 kada buwan.
Salary requirement ng employer
Dapat mapatunayan ng employer ang pagkakaroon ng minimum salary na € 20,000 (isang tao) o € 27,000 kung isang pamilya.
Sa katunayan ay maaring isama sa kalkulasyon ng salary requirement ang sahod ng asawa, anak at miyembro ng pamilya hanggang second degree, kahit non conviventi o hindi kasama sa bahay.
Gayunpaman, ang salary requirement ay hindi kailangan kung ang employer o ang aalagaan ay non autosufficiente o non self sufficient;
Tandaan na ang aplikasyon ay maaaring isumite ng isa sa mga miyembro ng pamilya ng aalagaan o ng health facility kung nasaan ang aalagaan (halimbawa religious community, rehabilitation at iba pa).
Basahin din:
- Application forms ng Decreto Flussi 2023, available na!
- Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025
- Click days ng Decreto Flussi para sa domestic job, nagpahayag ng pangamba ang Assindatcolf