Naglabas ang Ministry of Interior ng Italya ng guidelines para sa precompilation ng mga aplikasyon para sa Decreto Flussi 2025 sa website ng Servizi ALI – Sezione Sportello Umico Immigrazione. Gayunpaman, ang mga detalyadong procedure ay matatagpuan sa Linee guida tecniche per la compilazione delle domande del Decreto Flussi 2025 at sa updated na Manuale utente na nasa website.
Decreto Flussi 2025 Precompilation
Petsa at Oras: Mula November 1 hanggang 30, simula 8:00 am hanggang 8:00 pm araw-araw, kasama ang mga holidays.
Uri ng mga Aplikasyon:
- form C- STAG – seasonal o lavoro subordinato stagionale;
- form B2020 – non-seasonal;
- form A-BIS – service sector o assistenza familiare e socio-sanitaria in quota e fuori quota;
- form B – para sa mga Italian origin na residente sa Venezuela.
Narito ang hawat hakbang ng Precompilation ng Decreto Flussi
1. Magtungo sa ALI Servizi website: (https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm) at piliin ang “Area riservata” button.
2. Mag-login gamit ang SPID o CIE.
3. Piliin ang seksyon na “Compila domande Decreto Flussi 2025/Click-day 2025.”
4. Pumili ng form (A-BIS, B2020, C-STAG) at pagkatapos ay i-click ang “Compila domanda.”
5. Lalabas ang “Verifiche preliminari” screen kung saan dapat:
– Piliin ang checkbox para kumpirmahin na nabasa ang privacy.
6. Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon, gaya ng “Società/Ente registrato presso il Registro delle Imprese (RI),” “Codice Fiscale Richiedente/Rappr. Legale,” at “Codice fiscale Società/Ente.”
- Para sa mga “PRIVATE” user, awtomatikong ipapakita ang Codice Fiscale batay sa SPID/CIE login.
- Para sa mga “ORG. CATEGORIA/APL/PROFESSIONISTI” user, kailangang ilagay ang Codice Fiscale ng legal representative ng organisasyon.
7. Kung magsusumite ng Form A-BIS, kakailanganing tukuyin ang uri ng aplikante, sa pagitan ng Persona fisica o Società/ente.
8. Pindutin ang “Verifica utenza e invia PEC” button para magsagawa ng pag-verify sa Codice Fiscale.
9. Hintayin ang resulta ng verification process sa pagitan ng Codice Fiscale ng iyong legal representative at ng organisasyon, sa tulong Unioncamere, Agenzia delle Entrate, at Agid systems:
- Kung hindi positibo ang risulta ng verification, lalabas ang isang notification at hindi makakapagpatuloy sa aplikasyon.
- Kung positibo naman ay makakatanggap ng activation code sa PEC email address na ini-register: INI-PEC para sa mga organisasyong nakarehistro sa RI o INAD para sa mga organisasyong hindi kailangang magparehistro sa RI o para sa mga indibidwal.
10. Sundin ang mga instruction sa PEC at piliin ang “Verifica codice” icon (magnifying glass icon) na matatagpuan sa tabi ng application na nakalagay sa status na “Da validare.” Makikita ang application na ito sa “Riepilogo domande” section.
Sa pop-up window, ilagay ang natanggap na activation code sa pamamagitan ng PEC:
- Kung mali ang code, hindi makakapagpatuloy sa application.
- Kung tama ang code, magpapatuloy sa pag-fill out ng application, at lalabas ang mga field na dapat sagutan.
11. Karamihan ng mga datos sa form ay awtomatikong kukunin mula sa database ng UnionCamere, Agenzia dell’Entrate, AGID at INPS.
Source: Ministero dell’Interno / Integrazione Migranti