in

Decreto flussi at Ricongiungimento familiare, may bagong website

Simula May 11, 2022 ay online na ang bagong website para sa Decreto Flussi at Ricongiungimento familiare. 

Sa website ng Dipartimento per le Libertà Civili e l’Immigrazione, ay naglaan ng bagong section para sa Sportello Unico per l’Immigrazione na magpapahintulot na maipadala online ang aplikasyon sa:

  • Nulla osta para sa Ricongiungimento familiare;
  • Decreto flussi;
  • Test italiano;
  • Accordo Integrazione

Ang nabanggit na website ay ang papalit sa dating website: nullaostalavoro.interno.it

Mayroon ding section para sa aplikasyon at pagkokontrol sa status ng Italian citizenship.

Ang oras ng access online nito sa publiko ay:

  • 8:00 am – 8:00 pm mula Lunes hanggang Biyernes
  • 8:00 am – 2:00 pm tuwing Sabado   
Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.3]

Inflation rate sa Italya, aakyat sa 6% 

Dichiarazione di ospitalità, ano ito at bakit ito mahalaga?