in

Decreto Flussi, extended hanggang March 24 ang paghahanda ng aplikasyon

decreto-flussi-ako-ay-pilipino
decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Pinalawig ng ilang araw pa ang paghahanda ng mga aplikasyon para sa regular na pagpasok at pagta-trabaho sa Italya ng mga dayuhang manggagawa na napapaloob sa Decreto Flussi. 

Inihayag ng Ministry of Interior na may ilang araw pa dahil extended hanggang ala 1:00 pm ng March 24, 2023 ang pagpi-fill up at pagse-save ng mga aplikasyon, sa pamamagitan ng SPID, sa section “Sportello Unico Immigrazione” sa website ng Ministry of Interior.

Matatandaang ang unang itinakdang deadline ay March 22, 2023.

Ipinapaalala na ang sistema ay aktibo mula 8:00am hanggang 8:00pm

Gayunpaman, ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala, simula alas 9:00 ng March 27, 2023, ang kilala sa tawag na “click day”. 

Mga dapat malaman sa Decreto Flussi 2023 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.5]

Aksidente sa motor, nasawi ang isang 56-anyos na Pinay sa Roma

Click day ng Decreto Flussi: higit sa 240,000 application!