Inaasahang magiging mas mabilis ang proseso ng Decreto Flussi matapos aprubahan ng gobyerno ang panukala na papabor sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang mangggagawa.
Bawasan ang panahon mula aplikasyon ng mga employer hanggang sa aktwal na hiring ng mga dayuhang manggagawa.
Ito ang layuning mababasa sa press release mula sa Palazzo Chigi. “Pinagtibay ng Konseho ng mga Ministro ang Simplification measures para sa entry procedures ng mga dayuhang manggagawa. Kaugnay din ang investments, mga layuning itinakda ng National Recovery Plan at ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang mangggagawa para sa mga sektor na nagpahayag ng higit na pangangailangan”.