One-third kumpara noong nakaraang taon. Ang Minister of Labor: “Ang demand ay bumaba at sa bansa ay nananatiling maraming walang trabaho”. Coldiretti: “Ito ay unang bahagi lamang”.
Roma, Enero 3, 2014 – Higit na kakaunti kumpara noong nakaraang taon, para sa unang bahagi, ang mga seasonal workers na maaaring pumasok ng bansang Italya sa taong 2014. Isang desisyon buhat sa analisis ng kasalukuyang demand, ngunti isang pag-asa rin sa mga walang trabaho, dayuhan man o hindi, na maaaring makahanap ng trabaho para sa ilang buwan sa field, hotels at restaurants.
Ang bagong atas para sa mga seasonal workers ay magta-trabaho sa sektor ng agrikultura at turismo ay nasa agenda na ng gobyerno at maaaring ilathala sa lalong madaling panahon. Ang teksto ay magbibigay pahintulot sa pagpasok ng 10,000 seasonal workers para sa taong 2014, one-third kumpara noong 2013, at ang aplikasyon, tulad sa nakaraan, ay gagawin online.
Ang drastikong pagbaba sa bilang ay batay sa ginawang analisis ng Ministry of Labor ukol sa hiring ng mga seasonal workers mula sa ibang bansa na naitala ngayong taon. Kung totoo na para sa 30,000 entries para sa seasonal job noong 2013 ay 37,000 ang mga aplikasyon, wala pa sa 9,000 ang nagkaroon ng working permit (nulla osta) at wala pa sa 5,000 ang nagkaroon ng permit to stay.
Mayroon pang mga dokumentasyon na dapat tapusin at mayroon ding umatras na mga employer at mga workers. Ang head office sa imigrasyon sa Via Fornovo ay sinabing “lumilitaw na ang aplikasyon sa pagpasok ay hindi ang tunay na dahilan upang matugunan ang pangangailangan sa trabaho”.
Maging ang dekreto sa seasonal job ay ginamit sa regularization, isang pagkakataon sa pang-aabuso at pandaraya. Maaaring malaki rin ang halagang ibinayad kapalit ng ‘hiring’ na hindi nagtagumpay at nasayang lamang ang kanilang pera at pag-asa na magkaroon ng permit to stay. Isa pang aspeto na dapat isaalang-alang: ang mga pekeng aplikasyon na pinag-ukulan ng panahon ng tanggapan sa pagsusuri, ay napinsala naman ang mga tapat na employer.
"Ang tunay na pangangailangan sa bagong decreto flussi – pagtatapos pa ng ministry of labor – ay bumaba sa bilang dahil sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at trabaho, na nagpababa ng labor demand gayun din ang pagbibigay ng pagkakataong makapag-trabaho ang mga manggagawang italyano, EU at non-EU nationals na regular na naninirahan sa bansa na walang trabaho sa kasalukuyan. Inaasahan ang maaaring pagpapatuloy nito hanggang sa 2014”.
Ito ang dahilan sa pagkakaroon ng 10,000 entries lamang kasabay ang pagsang-ayon ng mga asosasyon. Ngunit sa isang kundisyon: “Ito ay unang bahagi lamang, upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga agricultural enterprises. Kung kinakailangan pa ng mga manggagawa, ay magkakaroon ulit ng entry quotas”, paliawnag ni Romano Magrini, ang responsabile sa labor politics ni Coldiretti.
Kaugnay sa mga pangyayari ngayong taon, si Coldiretti ay hiniling ang pagbibigay ng priyoridad sa pagsusuri sa mga aplikasyon buhat sa mga kumpanya na palaging nangangailangan sa mga seasonal workers. Ang asosasyon ay umaasa sa muling pagtayo ng ekonomiya at samakatwid ay umaasa sa seasonal manpower para sa 2014 ay higit na mas mataas kumpara ngayong taon, ngunit may pag-aalinlangan na magkakaroon ng trabaho sa Italya ang maraming walang trabaho para sa field: “ilan sa kanila – tanong ni Magrini – ang nakapag-trabaho na sa sektor ng agrikultura?”