in

Decreto flussi, sinimulan na!

17,850 ang quota ng decreto flussi na nakalaan ngayong taon. Lahat ay gagawin online. Narito ang mga forms na kinakailangan.

Rome – Disyembre 20, 2013 – Sinimulan ngayong araw na ito, eksaktong alas 9 ng umaga ang decreto flussi na magpapahintulot sa pagpasok ng 5,600 workers buhat sa ibang bansa at 12,250 conversion naman ng mga permit to stay for subordinate job buhat sa ibang motibo ng naging issuance nito na inilathala kahapon sa Offical Gazzette.

Ang bagong decreto sa taong ito, sa katunayan, ay hindi humihingi ng unahan sa pagpapadala ng aplikasyon dahil hindi ganap na nagbubukas ng frontier ang Italya at hindi rin tumutukoy sa isang maxi-regularization. Samakatwid, ay tila magiging mahirap ang pagka-ubos ng mga quota. Maaaring isumite ang aplikasyon hanggang Agosto 20, 2014, ngunit ipinapayo pa rin na huwag mag-atubili sa pagpapadala ng aplikasyon.

Halos lahat ng mga aplikasyon, ay ipapadala online, sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior nullaostalavoro.interno.it, ng mga worker mismo o sa tulong ng mga patronati. Kailangang mag-log on, mag-rehistro at piliin ang angkop na form:

Form A at B para sa mga manggagawang buhat sa Italian origin o mga residente sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil,

Form VA para sa conversion ng permit to stay sa pag-aaral, internship at/o vocational courses (permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale) sa permit to stay for subordinate job

Form VB conversion ng mga permit to stay for seasonal job sa subordinate job

Form Z conversion ng permit to stay para sa pag-aaral, internship at/o vocational courses sa permit to stay for self-employement (lavoro autonomo)

Form LS conversion ng mga EC long term residence permit na inisyu sa ibang bansa sa EU sa permit to stay for subordinate job

Form LS2 conversion ng mga EC long term residence permit na inisyu sa ibang bansa sa EU sa permit to stay for self-employment (lavoro autonomo)

Form LS1 request ng authorization para sa domestic job (nulla osta per lavoro domestic) para sa mga dayuhang nagtataglay ng EC long term residence permit.

Form BPS request ng authorization (nulla osta) na nakalaan lamang sa mga hiring ng mga workers na nasasakop ng mga special projects.

Paalala: sa pagpasok ng mga self-employed ay nakalaan ang particular na proseso, habang wala pang indikasyon ukol sa pagpasok ng 200 workers na kabilang sa EXPO Milan 2015.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippine entry sa 100 presepi

Isang Pinoy, nanalo ng 1 million euros!