in

Decreto Salvini, ang nilalaman

Narito ang maikling gabay upang maunawaan kung ano ang nilalman at anu-ano ang mga pagbabago sa imigrasyon hatid ng Decreto Sicurezza na inaprubahan sa Senado.

Mga bagong uri ng permit to stay

Ang Artikulo 1 ay pinalitan ang permesso di soggiorno per motivi umanitari ng limang (5) uri ng mga permit to stay. Ito ay ang

  • protezione speciale – 1 taon ang validity at renewable;
  • per calamità – 6 months ang validity at renewable;
  • per cure mediche – 1 taon at renewable;
  • per atti di particolare valore civile – ipagkakaloob sa indikasyon ng Ministry of Interior;
  • per casi speciali –

International protection

Sa artikulo 7 ay pinalawak o dinagdagan ang mga krimen, na sa kaso ng final conviction ay magiging sanhi sa pagpapawalang bisa sa ibinigay na international protection sa refugee. Ang mga bagong dagdag na krimen ay ang panggagahasa, pagtutulak ng drugs, pagnanakaw at pangingikil. Sa listahan ng mga krimen ay kabilang din ang female mutilation, ang paglaban sa public officials, pambubogbog o pananakit, pagnanakaw o pagdadala ng armas at mga drugs. Para sa mga asykum seekers na masasangkot sa mga krimeng nabangit ay nasasaad ang paghinto sa pagsusuri sa aplikasyon at maaaring obligahin na lisanin ang bansa.

Humanitarian permit to stay

Ang mahalagang pagbabago na nilalaman ng dekreto ay ang pagtatanggal sa permesso di soggiorno per motivi umanitari (artikulo 1), na hanggang sa kasalukuyan ay maaaring ibigay ng Questore sa kasong mayroong mga ‘malalang motibo’ o kung ang territorial committee ay tinanggihan ang aplikasyon ng international protection ngunit kinumpirma naman ang pagkakaroon ng mga dahilan na itinuturing na ‘humanitarian’. Ang humanitarian permit ay balido ng 2 taon at nagpapahintulot na makapag-trabaho at makatanggap ng health services, ng social services at pati ang pabahay.

Mas matagal na panahon ng pananatili sa Cpr

Nasasaad sa decreto (artikulo 2) ang mas mahabang panahon ng pananatili ng mga dayuhan sa Centri di permanenza per il rimpatrio mula sa kasalukuyang 90 hanggang sa 180 araw para kilalanin at alamin ang nasyunalidad hanggang sa magkaroon ng travel document ang dayuhan na karaniwang nangangailangan ng 5 buwan.

Pagpapawalang-bisa sa status

Nasasaad sa artikulo 8 ang pagpapawalang bisa sa humanitarian protection na ibinigay sa refugee na babalik sa sariling bansa kung saan ay tumakas umano dahil sa takot sanhi ng pag-uusig dahil sa politika, lahi o relihiyon. Sa madaling salita, ang pagbalik sa sariling bansa ay itinuturing na hadlang na sasalungat sa dahilan ng pag-aaplay ng international protection.

Ang Sprar

Ang “pacchetto immigrazione” ng dekreto ay nagsasaad sa artikulo 12 ng pagbabawas ng mga shelter na pinapatakbo ng mga Comune, ang Sprar na sa hinaharap ay esklusibong nakalaan lamang sa mga mayroong international protection at mga non-accompanied minors para sa mga proyekto ng integrasyon at social inclusion. Ang mga asylum seekers naman ay magkakaroon ng mga shelters na nakalaan para sa kanila: ang Cara (Centri di accoglienza per richiedenti asilo). Ito ay magbibigay din ng mga collateral effects na magpapabilis naman sa proseso ng registration at pamamahala sa mga migrante. Mula Jan 2019, ay magtatag ng 10 bagong territorial commitees para maubos ang mga pendig application. Ang Viminale ay pinahihintulutan din na mag-hire ng 172 staff para mapadali ang proseso.

Pagmo-monitor sa mga cooperatives

Ang ‘maxiemendamento’ ng gobyerno na kasama sa ginawang vote of confidence ay kinumpirna ang artikulo 12-bis o ang simulan ang pagmo-monitor sa daloy ng migrasyon na layuning isara ang ilang temporary shelters at ang obligasyon para sa mga social cooperatives na nangangasiwa sa pagpapatakbo ng mga shelters na ilathala tuwing ikatlong buwan sa kani-kanilang mga websites ang listahan ng mga indibidwal na nakatanggap ng anumang halaga para sa mga serbisyo ng integrasyon, assistance at social protection.

Pagpapawalang bisa sa Italian citizenship

Sa ilang mga susog sa Batas 91/1992 ng citizenship, ang dekreto sa artikulo 14 ay nagsasaad ng pagpapawalng bisa sa Italian citizenship dahil sa krimen ng terorismo.

Paghihigpit sa pagbibigay ng Italian citizenship 

Hindi maaaring mag-aplay ang mayroong police report ukol sa public security, ang pagiging panganib sa sosyedad o pagkakaroon ng anumang hatol kahit pending case. Ang aplikante ay kailangang mayroong sapat na sahod katumbas ng halagang itinakda ng batas para sa exemption sa health expenses, batay sa artikulo 2, talata 15 ng batas Dec 28, 1995 n. 549 at dapat na nakakasunod sa obligasyon ng pagbabayad ng buwis.

Bukod pa ang pagpapahaba sa panahon ng pagsusuri sa aplikasyon nito mula 2 hanggang 4 na taon para sa Italian citizenship by marriage at by residency.

Obligasyon ng kaalaman sa wikang italyano

Ukol sa susog ng batas sa citizenship, ang ‘maxiemendamento’ ay nagsasaad din ng angkop na kaalaman sa wikang italyano sa pag-aaplay ng italin citizenship by marriage at by residency sa antas na B1 ng Quadro Comune Europeo di Riferimento per le Lingue o QCER.

Pagtatanggal sa free legal aid

Tinanggal na din ang posibilidad ng free legal aid o gratuito patrocinio (artikulo 15) sa mga kasong deklarado nang inammissibile o unacceptable. Halimbawa, kung ang migrante ay nag-apela dahil sa tinanggihang serbisyo o aplikasyon at idineklara na ito ng hukom na ‘inammissibile’, ang gastusin para sa legal assistance ay hindi na sasagutin ng estado.

 

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Salvini, aprubado sa Senado!

Italian language, obligado sa aplikasyon ng Italian citizenship