in

Decreto Salvini, aprubado ng Council of Ministers

Ang Unified decree on Immigration and Security o Decreto Salvini na inaprubahan noong nakaraang Sept. 24 ng Council of Ministers na kinabibilangan nina Prime Minister Conte, Di Maio, Salvini at mga ministro ay nagbibigay susog sa batas ng pagbibigay ng Italian Citizenship sa maraming puntos, partikular sa Capo III artikulo 14 – Disposizione in materia di acquisizione e revoca della cittadinanza.

Tulad ng nailathala kamakailan ng Ako ay Pilipino, nilalaman rin ng Decreto Salvini ang paghihigpit sa pagsusuri ng mga aplikasyon sa pagbibigay ng Italian citizenship. Kabilang dito ang obligadong pagbabayad ng buwis, pagkakaroon ng itinakdang sahod at pagpapawalang-bisa nito. Pinahahaba rin nito hanggang sa apat na taon ang proseso sa mga aplikasyon.

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ang proseso sa pagbibigay ng italian citizenship per residenza (artikulo 9 ng batas 91/1992) at Italian citizenship per matrimonio (artikulo 5 ng batas 91/1992) ay dalawang taon lamang. At makalipas ang dalawang taong nakatakdang proseso nito ay may posibilidad na matanggap mula sa Giudice Ordinario ang citizenship by marriage dahil sa ‘silenzio assenso’.

Sa katunayan, matapos ang artikulo 9-bis ng batas 5 Pebrero 1992 bilang 91 ay idinagdag ang:

  • “Art. 9 –ter batas bilang 91/1992
  1. Ang pagtatapos ng proseso ng aplikasyon na nabanggit sa aritkulo 5 at 9 ay 48 buwan o 4 na taon mula sa petsa ng aplikasyon.
  2. Ang pagtatapos na ito na nabanggit sa talata 1 ay ia-aplay sa mga aplikasyon na magbibigay karapatan sa citizenship na sinimulan ng mga embahada, consulates o civil status offices sa pamamagitan ng mga dokumentasyon bago ang Enero 1, 1948”.

Gayunpaman ayon sa ASGI, ang panahong nabanggit ay masyadong mahaba para sa Public Administration bago tuluyang matapos ang proseso ng mga aplikasyon.

 

Kailan simulang ipatutupad ang decreto salvini?

Simulang ipatutupad ang decreto salvini matapos pirmahan ng Head of State Sergio Matarella at matapos ang publikasyon nito sa Official Gazette.

 

Ang mga aplikasyon bang nasa loob na ay makakasama sa pagpapatupad ng apat na taong proseso nito?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship by marriage, kailan dapat isumite ang aplikasyon?

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Kontribusyon sa pag-aaplay ng Italian citizenship, itinaas ng Decreto Salvini