in

Decreto Salvini bis, tinanggal ang parusa sa mga barko na magliligtas sa mga migrante

Tinanggal ang parusa sa mga barko na magliligtas sa mga migrante.

Samantala, nananatili ang multa mula 10,000 hanggang 50,000 euros sa mga barko na magliligtas sa mga migrante sa dagat at “hindi susunod sa internasyunal na regulasyon at mga tagubilin na ipinatutupad ng mga concerned authrorities at susundan ang pagdagsa ng mga migrante sa teritoryo ng Italya “.

Ito ang nilalaman ng ikatlong draft ng Decreto Salvini bis mula sa Ministry of Interior bilang tugon sa naging opinyon ng Quirinale. Sa katunayan, sa ikalawang draft ng dekreto, ang artikulo ay nagtataglay na ng limitasyon.

Ito ay tatalakayin lamang sa Council of Ministers kapag tuluyang natanggal ang mga puntos na magpapakita ng paglabag sa Konstitusyon”, ayon kay Vicepremier Di Maio.

May komunikasyon sa pagitan ng Palazzo Chigi at Quirinale upang tanggalin ang mga puntos na may paglabag. At habang hindi ito tuluyang natatanggal ay hindi ito tatalakayin sa CdM, ngunit inaasahan ko na ito ay magaganap sa lalong madalaing panahon”.

Dagdag pa ni Di Maio, hindi sapat ang mula 2 hanggang 3 milyong euros para sa repatriation.

Ako ay maghihintay sa teksto, at kung kailangan naming gumawa ng isang decreto bis ito ay dahil may isang bagay na nakalimutan namin sa una”.

Ang dekreto ay handa na, ako ay handa na rin”. Hiniling nila na gawin ang huling mga pagbabago. Ako ay naroroon sa Miyerkules. Mas maganda kung mas maaga ito maaaprubahan“, ayon kay Interior minister Matteo Salvini.

Basahin rin:

Decreto Salvini bis, inanunsyo na ni Salvini

Decreto Salvini bis, labag sa human rights” UN

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

European Election 2019: Gabay sa Pagboto – Kailan, paano at sino ang boboto

Gumamit ng ibang pangalan sa deportasyon sa nakaraan. Tatanggihan ba ang permit to stay?