Pinirmahan na ng Head of State Sergio Mattarella ang Decreto Sicurezza.
Pinirmahan ngayong araw na ito ni Matarella ang Decreto Sicurezza. Lakip nito ay isang liham kay Prime Minister Conte kung saan ipinapaalala ang kanyang mga obligasyon sa Konstitusyon ukol sa pagpapatupad nito. “Pumirma na sya, ciapa lì e porta a cà” (isang ekspresyon sa dialect), masayang komento ng Ministro.
“Sa wakas, isang dekreto na ninais ko at simula sa susunod na linggo ay tatalakayin na sa Parliyamento. Maaaring maging mas maganda pa ang nilalaman nito ngunit hindi ko papalitan kahit katiting ang ukol sa expulsion, citizenship, humanitarian permit to stay, hindi ako aatras. Ako ay pagod ngunit masaya naman”, ani Salvini.
“Pinirmahan ng Pangulo ng Republika, Sergio Mattarella, ngayong araw ang decreto Sicurezza e Immigrazione at kasabay nito ang pagpapadala ng isang liham kay Prime Minister Giuseppe Conte”. Ito ang mababasa sa isang nota ng Quirinale.
“Inuulit ko ang obligasyong bigyang diin, tulad ng nakasaad sa Ulat na lakip ng dekreto, na nananatili ang constitutional and international obligations ng estado, bagaman hindi nabanggit sa legal na teksto, ngunit direktang nasasaad sa probisyon ng art. 10 ng Saligang-Batas at kung ano ang hinihinging international commitment ng Italya”.
Ito ang nilalaman ng liham ng Head of State kay Prime Minister na lakip ng pirmadong dekreto. Ang artikulo 10 ng Konstitusyon na binanggit ng presidente sa liham kay Conte ay nagsasaad ng:
“L’ordinamento giuridico italiano si conforma alle norme del diritto internazionale generalmente riconosciute. La condizione giuridica dello straniero è regolata dalla legge in conformità delle norme e dei trattati internazionali. Lo straniero, al quale sia impedito nel suo paese l’effettivo esercizio delle libertà democratiche garantite dalla Costituzione italiana, ha diritto d’asilo nel territorio della Repubblica, secondo le condizioni stabilite dalla legge. Non è ammessa l’estradizione dello straniero per reati politici“.
Kahapon sa naging pagkikita sa Quirinale nina Minister of Interior Salvini at Pangulo: “Isang malinis na pagtatapos ng isang hakbang na sinang-ayunan ng lahat – bigay-diin ni vice premier. “Walang dekreto ang dumaan sa ganitong pagsusuri at pinag-aralang mabuti tulad nito. Ngunit ito ay tama lamang dahil ito ay isang mahalagang tema”. Ang naging pagkikita ay itinuring na “magalang at positibo” at nagkaroon umano ng ilang ‘finishing touch’ sa teksto.