Ang employer ay kailangang tukuyin ang sahod at separation pay na ibinigay sa worker noong nakaraang taon sa isang deklarasyon. Ito ay kinakailangan sa paggawa ng tax return.
Roma, Pebrero 29, 2016 – Kailangang isulat ng employer ang sahod at separation pay o tfr (trattamento fine rapporto) na ibinigay noong nakaraang taon. Ito ay kakailanganin ng worker sa tax return o dichiarazione del reddito 2015.
Panahon muli ng pagbibigay ng ‘Certificazione Unica’ at kahit ang mga employers sa domestic jobs ay kailangang magbigay sa kanilang mga workers ng ‘Dichiarazione Sostitutiva’ ng ibinigay na sahod noong nakaraang 2015.
Ito ang paalala ng Assindatcolf sa mga employers ng colf, babysitters at caregivers. Sa katunayan isang deklarasyon ang kinakailangang gawin ng mga employer kung saan nasasaad ang halaga ng ibinigay na sahod sa taong 2015, anumang ‘anticipated separation pay’, kung ipinagkaloob ito.
Ang employer, na hindi maituturing na ‘sostituto d’imposta’ o withholding agent at samakatwid ay hindi obligado ang magbigay ng ‘certificazione unica o dating CUD hanggang Feb 29, hanggang sinusugan ng collective agreement at ginawang hanggang 30 araw bago ang pagtatapos ng deadline sa paggawa ng ‘dichiarazione dei redditi’, na sa taong 2016 ay nakatakda sa July 7.
Gayunpaman, innirerekomenda pa rin ng Assindatcolf sa mga pamilya na gawin ang nabanggit na dokumento hanggang Peb 29.
Ang deklarasyon ay dapat na lagdaan at ibigay sa mga kasambahay para sa paggawa ng tax return, maaaring sa pamamagitan ng 730 o Modello Unico o para sa ISEE para sa ilang social bebefits, gayun din sa renewal ng permit to stay.