in

Dekreto ng mga parusa, aprubado. Magkakaroon ba ng regularization?

Aprubado ang EU directive na magpapabigat ng parusa sa sinumang mage-empleyo o tatanggap sa mga manggagawang walang permit to stay. Hiniling ng Parliyamento ang magpasok rin ng ‘transitional measures’

Roma – Hulyo 6, 2012 – Ang Konseho ng mga ministro, tulad ng mababasa sa isang pahayag ng Palazzo Chigi, ay inaprubahan kaninang umaga, ang panukala ng Ministro ng European Affairs at ng Ministro ng Labor, ang legislative decree transposing EU norms ukol sa mga parusa laban sa mga employer na tatanggap ng mamamayan ng Third countries na mga undocumented.

Ang decree transposing Directive 2009/52/EC, ay nagpapahiwatig ng mga mas mabigat na parusa sa sinumang tatanggap ng mga manggagawang walang permit to stay. Ang Parliyamento ay humiling ng ‘transitional measures’, na magpapahintulot sa mga pamilya at mga kumpanya upang  makaligtas sa mga parusa (sa pamamagitan ng autodenuncia), at magbibigay rin sa mga manggagawang undocumented ng permit to stay. Na maaaring ituring na bagong regularization.

Sa mga susunod na oras ay malalaman kung (ngunit kailangang maging optimistic ) paano sasagutin ng Palazzo Chigi ang kahilingang ito ng Parliyamento. Sa nagdaang huling linggo, sa paghimok ng Ministro Andrea Riccardi, ang gobyerno ay hinarap ang posibilidad ng isang uri ng “pagsisisi” para sa mga employer. Sa draft na umiikot sa kasalukuyan, na nagtataglay ng mga mungkahi buhat sa Senado, ay pinag-uusapan ang isang kabayaran ng 1000 €, at karagdagang tatlong buwang kontribusyon at karagdagang kita.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Summer Sale simula bukas

Ora è sicuro, arriva una nuova regolarizzazione