Hinihiling ng mga asosasyon ng mga magsasaka kay Renzi na madaliin ang pagpasok sa Italya ng 10,000 workers mula sa ibang bansa. “Ito ay kinakailangan upang malabanan din ang irregularities sa hiring”.
Roma, Marso 26, 2014 – Mas maaga ang anihan ngunit ang gobyerno naman ay naantala. Dahil dito ay nanganganib ang mga aanihing prutas at gulay sa mga bukirin habang ang mga aani ng mga ito ay kasakuluyang nasa libu-libong kilometro pa ang layo sa bansang Italya.
Ito ang naging babala ni Coldiretti at hiniling kay Renzi na primahan na ang dekreto na magpapahintulot sa pagpasok ng mga seasonal workers.
Ang batas na ito, kung saan nasasaad ang pagpasok ng 10,000 seasonal workers sa katunayan ay dapat handa na ng ilang buwan. Ngunit dahil sa krisis at maraming bilang ng mga walang trabaho na maaaring ma-empleyo sa mga bukirin, ang Ministry of Labor ay naghanda ng isang programa kung saan nasasaad ang mas mababang bilang kumpara sa mga nagdaang taon: noong 2013, halimbawa ay 30,000 ang seasonal workers at noong 2012 naman ay 35,000.
Ang mga asosasyon ng mga magsasaka, gayunpaman, ay tinanggap ang mas mababang bilang at isinasaalang-alang na ito ay unang bahagi lamang, ngunit may pag-aalinlangan sa kakayahang gampanan ng mga nawalan ng trabaho ang mga gawain sa bukid na nangangailangan ng karanasan. Kapalit nito, ay kanilang hiniling ang paglabas ng dekreto ng mas maaga, sa katunyana ay sa katapusan ng 2013. Ngunit ito ay hindi nasunod at higit ang naging antala ng nasabing dekreto. Ang teksto ng dekreto ay hindi napirmahan ni Enrico Letta at sa ngayon ay kasalukuyang nasa lamesa ng bagong pangulo sa Palazzo Chigi.
Ang sitwasyon ay higit na lumalala dahil sa klima. “Ang anomalya sa klima ay nagpahinog sa mga aanihin sa bukirin at ang susunod na anihan ay nanganganib dahil sa kakulangan ng human resources”, ayon pa kay Coldiretti.
Bukod dito, ayon sa asosasyon ng mga magsasaka, ang paglalathala ng dekreto ay maaaring makatulong upang maiwasan ang ‘lavoro nero’, na maaaring maging sanhi ng pagkaantala ng dekreto.
“Ang pahintulutan ang hiring sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng tama, mabilis at simpleng proseso, ay gagantimpalaan ang katapatan ng mga regular na kumpanya at lilikha, tulad ng napatunyan na, ng regular at legal na pag-eempleyo. Isang instrumento – pagtatapos pa ni Coldiretti – sa pagitan ng pagnanais na ipagpatuloy ang regular na aktibidad ng mga kumpanya at ang paglaban sa pananamantala dahil sa kawalan o pagka-antala sa paglalathala ng dekreto para sa seasonal job”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]