in

DENGUE world threat

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng dengue sa buong mundo, na halos na doble sa loob ng sampun taon, ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang naturang sakit bilang “major threat to global public health”.
Ayon sa WHO, sa mga nakalipas na buwan ay patuloy pa rin ang pagdami ng mga bansa sa Western Pacific Region, na nagkakaroon ng outbreak ng dengue kung saan nagbabala pa ito na kung hindi matutugunan ang problema at patuloy na mabigong umaksyon ang mga bansang apektado nito ay posible pang lumala ang sitwasyon.
Ang 70% ng popolasyon ng buong mundo ay matatagpuan sa Asia Pacific at tinatayang two fifth ng popolasyon ang naapektuhan ng sakit na ito. Ang mga bansa ng Lao People’s Democratic Republic at ang Pilpinas ay ang higit na hinagupit na naturang sakit.
Ayon kay WHO regional director for the Western Pacific Dr. Shin Young-Soo na ang deklarasyon ng ahensya ay hindi upang magdulot ng takot bagkus layunin ng anunsyo na palakasin ang babala at paigtingin pa ang pag-aksyon ukol sa sakit.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PEKENG REGULARIZATION, patuloy ang panghuhuli sa Roma

Marchetto: “Ang mabubuting kristiyano ay tumatanggap sa mga dayuhan”